5 - Present time (Her)

11.8K 237 1
                                    


I am Ferline Ramirez, only daughter of Grace and Ernesto Ramirez. Lumaki akong lahat ng luho ay naibibigay dahil sa nag-iisa akong anak. Pinangarap ko din namang magkaroon ng mga kapatid pero hindi kami biniyayaan.


I am now twenty four years old, independent, a successful Interior Designer in and out of the country, a part time model but I decided to accept the offer of one of the top company here in the Philippines to be their Junior Head Designer. Maganda ang offer. Ayoko na din kasing magpalipat lipat ng bansa.. Gusto ko ng pumirmi sa isang lugar at syempre, ang sariling bansa ang napili ko.


After four long years, nakaapak na ulit ako sa bansang sinilangan. I graduated here in the Philippines pero kinailangan ko pang mag-aral ulit para makasabay sa mga de-kalidad na Designer ng ibang bansa.


After one year ay nakahanap na ako ng trabaho pero hindi ako kuntento hanggang sa nagpalipat-lipat ako ng trabaho at kasabay noon ay ang paglipat lipat ko din ng tirahan. Naging model ako noong panahong tag-hirap ako at ayokong humingi ng tulong kila Mom at Dad. Nakita ako ng isang sikat na agent. Ayoko talagang mag model pero dahil nagpapaka-independent ako ay napilitan akong pasukin yung trabaho na yun dahil na din sa kakapusan ng pera gawa nga ng paglipat lipat ko.


Mabilis akong mawalan ng gana sa isang trabaho, part time lang din ang modelling ko dahil kung minsan ay nahihirapan silang hagilapin ako. Lalo na pag pinagtataguan ko sila. Pag kinakapos lang naman talaga ako suma-side line doon.


Hindi ako mapakali sa mga pinapasukan ko dahil .. hindi ko alam, basta parang may hinahanap ako sa ginagawa ko na hindi ko naman alam kung ano ang hinahanap ko. Masaya naman ako sa ginagawa ko pero kulang yung kasiyahan na yun para mapanatili ako. Wala namang problema sa akin ang pera dahil kung gugustuhin ko ay pwede namang hindi ako mahirapan dahil mayaman ang Parents ko.


Hindi ko alam kung ano ba yung hinahanap kong puwang sa puso ko na kukumpleto sa buhay ko.


Love life? Nah! I've already tried that. I've been in and out of relationships for the past years but it never gives me satisfaction. Alam kong hindi iyon ang kulang sa'kin.


Kaya ngayon, susubukan kong bumalik sa Pilipinas, susubukan kong mamuhay ulit dito, baka sakaling nandito pala ang hinahanap ko.


Idagdag pa na ang Parents ko ay dito na din titira simula ngayon. Baka pag kasama ko sila ay maibsan ang puwang na nararamdaman ko.


Tinanggap ko ang offer para kahit nandito at kasama ko ang magulang ko ay maging independent pa din ako. I actually bought a town house with my own money. Galing sa naipon ko sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Doon ko balak tumira at dadalaw-dalawin na lang sila Mom and Dad.


Bago ko tanggapin ang offer ay sinigurado ko muna na I can back out anytime I please. Pero hindi ko naman iyon gagawin ng basta basta. Kailangang tapusin ko muna ang mga engagements ko. Iba naman kasi ang contract sa company namin at ang contract sa mga clients. Kung sino yung mga clients na nasagutan ko na ay hindi ko naman bibitawan kung kelan ko lang gusto. Ang mga nasimulan ko at tatapusin ko.


One month na akong pumapasok, so far ay okay naman, walang aberya, problema o anupaman. Nag-eenjoy din ako sa bagong trabaho. Siguro dahil hindi pa naman nag-uumpisa ang totoong trabaho. Puro minors at briefing pa lang.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon