Note: Expect less. This is the lamest update ever. Hahahah Sobrang busy po at ipinilit ko lang ang update. Sorry na. Will update again, as soon as I can. Babawi po ako sa next update. And again, Thank you guys! Every Chapter, paulit-ulit akong magpapasalamat sa inyo. Salamat sa suporta -- Mapa-follow, reads, votes or comment man yan, salamat talaga. You guys makes me wanna right more. Nagsisikap po akong isingit ang pag gawa ng update para sa inyo. Dahil sa inyo, nakakagawa ako ng kwento kaya Thank you very much! Happy Reading sa inyo! :)
***
"Malaki ang tampo ko na ngayon nyo lang sinabi ito sa amin. Buong akala namin ay nagbabakasyon lang ang anak namin, iyon pala ay may itinatago na." maluha luhang sabi ni Mommy, alam ko, ramdam ko ang tampo nila lalo na sa akin, yung tingin nila na para bang may kasamang panunumbat kaya napayuko na lang ako.
"Kailangan makasal kayo sa lalong madaling panahon. Hindi ako makakapayag na makaladkad ang anak ko sa ganitong kahihiyan." Matigas na sabi ni Daddy pagkatapos nyang manahimik ng matagal.
"Dad, hindi naman po pwedeng.."
"Tsina, Franco, no offense meant pero hanggang kaninang hindi ko pa alam na buntis ang anak ko ay ipinananalangin ko na sana ay hindi ang anak nyo ang makatuluyan ng anak ko. Mabuti kayong tao pero hindi nyo ako masisisi kung ayawan ko ang anak nyo. Kahit naman siguro kayo, ayaw nyo ng lalaking sinasaktan ang anak nyong babae. Pero nandito na, wala na akong magagawa." Seryosong sabi ni Daddy habang si Mommy ay hindi malaman kung paano aawatin si Dad sa pagsasalita.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman ko kumpadre, pero sana, bigyan mo ng pagkakataon ang anak ko na patunayan sayo na karapat-dapat sya sa prinsesa mo." Mahinahong sagot ni Tito Franco.
"Kagaya nga ng sinabi ko, wala na akong magagawa pero ang gusto ko ay maikasal sila sa lalong madaling panahon." Sagot ni Daddy na may pinalidad ang tono.
Nag-aalala akong napatingin sa katabi ko na kanina pa nananahimik. Kung hindi lang nya pinaglalaruan ang ppinipisil pisil ang kamay kong hawak nya ay aakalain kong wala sya doon dahil sa pananahimik nya.
Hindi pa namin napag-uusapan ang kasal, ni hindi man lang nababanggit ang salitang yun sa pag-uusap namin.
And my usual less confident self think that Franz is not yet up for that kind of event. Hindi ko alam kung handa na ba syang magpatali sa akin. What if hindi pa sya ready? What if we mess up again?
"Young man, speak up for yourself." Naputol ang pag-iisip ko noong marinig kong magsalita si Tito Franco, inuutuan nyang magsalita ang katabi kong wala pa ding imik.
"Dad, I don't think we are ready to.."
"Punyeta! Hindi ready e nakabuo na nga kayo?" galit na galit sigaw ni Daddy at ibinagsak ang tasang hawak na halos natapon ang laman. Hindi man lang ako pinatapos magsalita. Hiyang hiya ako kila Tita Tsina sa inaasal ni Daddy pero naiintindihan ko naman kung anong pinanggagalingan ng galit ni Daddy. Hindi ko lang ito kahihiyan, madadamay din sila for sure.
"Tito, handa po akong pakasalan ang anak nyo sa lalong madaling panahon. Nangangako din po ako na kung hindi ko man mahigitan ay papantayan ko po ang pag-aalagang ginawa nyo kay Ferline. Mahal kop o ang anak nyo at handa po ako sa responsibilidad." Buo at matatag na sabi ni Franz, agad ko syang nilingon para siguruhing tama at bukal sa loon nya ang sinasabi, baka kasi napipilitan lang sya.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...