23 - Present time

6.4K 170 2
                                    


True to her words, she acts like nothing's wrong between us noong dumating sila Mommy. Kinakausap nya ako, nginingitian na parang walang nangyayaring away sa amin. And I must say, she's good at acting. Pati ang ngiti at halakhak nya ay parang totoong totoo.


We had fun. We explored the island pati na din ang mga kalapit na isla. The sand bar in this island is really breathtakingly beautiful. We did bonfire at kung mayroon lang sana kaming dalang camping equiptment ay nag camping na kami.


Noong gumabi ay hinatid na namin sila sa Villa na tinutuluyan nila at doon ko nalaman na sa kwarto ng kambal matutulog si Ferline kaya doon na lang din ako sa ibang kwarto natulog. Ayoko namang mag-isa sa cottage ko.


Pinuri din ni Mommy ay mga designs ng Villa pati na din ang mga furnitures na nakuha namin. Ang karamihan ay wala pa doon dahil nga sa inorder pa lang namin yon. Ang mga nadala lang dito ay iyong mga nabili namin na on the spot.


Bukas ay gusto nilang ma-meet ang painter dahil may gustong ipagawa si Mommy, gustong gusto nya ang mga wallpaper designs. Sobrang puring puri nila ang gawa ni Ferline.


I was at the balcony, staring at the darkness of the night noong maramdaman kong hindi ako nag-iisa doon. May ibang tao, I am sure of it pero hindi ako kinakabahan dahil bihira ang masasamang loob sa lugar na ito. Lalong hindi naman ako naniniwala sa multo.


"It's me baby love.." Mom said softly. She stand beside me.


"Mom, bakit gising ka pa? Si Dad?" takang tanong ko.


"You're dad is already sleeping. Napagod siguro at idagdag pa na tumatanda na." Pabirong sabi ni Mommy at saka sinundan ng bungisngis. Natawa naa din ako ng bahagya. Lagi nya kasing pang-asar kay Dad yung pagtanda.


"I know something is bothering you, care to tell it to Mommy love?" malambing nyang tanong noong matigil kami sa pagtawa. Mom usually talked to us as if we were still five years old kid. Pwera na lang kapag galit sya.


"Mom.. Wala poi yon. Petty things lang." sabi ko. Alam ko naman na malakas talaga makiramdam si Mommy but telling her my problems means telling her of mine and Ferline's little secret.


"But I am feeling otherwise. Franz, galing ka sa akin. Alam ko kung kelan ka nagsisinungaling at kung kailan hindi. You might think na nakakalusot ka minsan pero ang totoo, pinapalusot lang kita." She paused for a while.


"Is it about Ferline?" She asked lightly that caused me to look at Mommy.


"How can you say it's Ferline? We're okay, we're fine." I said seriously, trying not to sound defensive.


"But I see it differently, anak. You guys are not okay and definitely not fine." Mariing sabi ni Mommy. She really is a keen observer. Akala ko ay walang nakakapansin. Kahit nga ako ay nadadala sa pag-arteng gingawa ni Ferline.


"I can't tell exactly how Ferline acts but I can tell exactly the meaning of your movements, gestures, stares and all. I can read you well." Mom explained.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon