6 - Down memory lane (Her Version)

10.7K 204 2
                                    


Sabik ako sa tao dahil nag-iisa lang ako simula bata. Actually, simula pa noong baby ako. Wala ding gustong makipagkaibigan sa'kin simula pa noong bata ako dahil tomboy daw ako. Hindi ko alam na dahil sa pagsusuot ng baseball cap at maluluwag na damit ay mababansagan akong ganon. Ayaw lumapit sa akin ng mga classmate kong babae.


I was in the Montessori when I met this cute and sweet little boy. Sya lang ang kumakausap sa akin. Natural na madaldal sya. Kahit si Teacher ay dinadaldal nya. Sya lang din ang lumalapit sa'kin kahit na pinagbabawalan syang lumapit sa akin ng ibang kalaro nya. Likas na madaldal kaya napapadaldal din ako.


Hanggang sa tumagal ay hindi na namin namalayan na halos kaming dalawa na lang ang laging magkasama, magkalaro at magkasabay kumain.


We became closer and closer each passing day. Sa murang edad ay naging magkaibigan kaming matalik. Well, ako, tinuturing ko syang best friend pero sabi nya, sinasabi ko lang daw yun kasi sya lang naman daw ang nag-iisa kong kaibigan at wala naman daw akong pagpipilian


Kami din ang partner noong kinasal ulit ang Mommy at Daddy nya. I was the little bride and He was my little groom. Sa kasal din ng Tito ko na kapatid ni Mama ay kami din ang Little bride and groom.


We were already in grade six noong mabully ako. Absent sya noon. Sa ganoong edad ay paglalaro pa din ang nasa isip ko, hindi katulad ng mga classmates kong babae na nagpupumilit ng magpakadalaga.


Na-bully ako dahil sa kanya. Maraming babae ang naiinggit sa closeness namin ni Franz. Isang araw ay hindi sya nakapasok dahil masama daw ang pakiramdam at sinamantala iyon ng mga babaeng may gusto sa kanya.


Pagkatapos na matikman ko ang madaming sabunot at sampal ay ilang araw akong hindi nakapasok, hindi dahil sa sakit ng sabunot at sampal kundi sa trauma.


Sa murang edad ko ay naisip ko na kapag pumasok ako ay mauulit iyon. Galit na galit si Franz noon hindi lang sa mga gumawa sa akin ng ganon kundi pati sa sarili nya. Sinisi nya ang sarili nya, kung sana daw ay hindi sya nag absent, kung sana daw ay hindi sumama ang pakiramdam nya, hindi daw sana mangyayari iyon sa'kin.


Simula noon ay hindi na nya ako hinihiwalayan. Lagi syang nakasunod sa'kin. He is my self-proclaim bodyguard. Hanggang sa comfort room ay sinasamahan nya ako.


Kahit noong mag high school kami ay hindi nya ako hinihiwalayan. Lahat din ng lalaking lumalapit sa'kin ay inaaway nya.


Third year high school kami noong makaramdam ako ng kakaibang paganga sa kanya. Doon ko nakita kung gaano sya ka gwapo att hinahabol habol ng mga babae, doon ko nakita kung gaano sya katalino, doon ko napansin na sobra sobra kung protektahan nya ako. Doon ako nagsimulang pansinin ang mga ultimo maliliit na bagay na inagawa nya para sa akin. Pati ang pag-akbay nya ay binibigyan ko na din ng malisya.


Hanggang sa mag college kami ay nagawa kong itago ang nararamdaman ko. Ang paghanga ay naging pagmamahal.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon