48 - Present Time

6.4K 154 9
                                    

Hi guys. May update ulit! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa at matyagang naghihintay. Samantalahin ko lang habang me oras akong mag type. Kapag natagalan na naman ang update, alam nyo na. Hihi. Basta maraming salamat sa lahat! Votes, comment, reads, sa nagpafollow sakin. Omg! 1k na kayo. Dati 10 lang e. Maraming salamat talaga! Dati, nagsusulat lang ako para sa sarili ko, ngayon para sa inyo na din. Hahaha. Happy Reading guys!

***


After the ceremony ay nagbigay ang parents namin ng kani-kanilang greetings.. no, scratch that, it's reminders and sermon.


Naunang nagbigay ng simpleng mensahe ang parents ni Ferline. My wife and dad, my father in law are both teary eyed.


"Madrigal, siguraduhin mo lang na aalagaan mo ang prinsesa ko at kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya, isauli mo na lang sa akin ng maayos." Matalim syang tumingin sa akin at kasabay ng pagtango ko ay ang pagsiko ng mommy ni Ferline sa tagiliran ng asawa.


"Alam kong bata pa lang ay may isang salita ka na. Kaya aasahan ko na tutupad ka sa usapan natin. Natatandaan mo pa ba ang sinabi mo sa akin noong kasal ng Mommy at Daddy mo?" tanong nya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya.


"Tito, someday, I'm gonna be your son too. Gusto ko po kayong maging Daddy paglaki ko." Sa sinabi nyang iyon ay parang may naaalala ako pero hindi buo at klaro.


"Tinanong kita kung bakit, akala ko ay galit ka sa Daddy mo or may sama ka ng loob at pabiro kang tinanong kung gusto mo bang magpaampon sa akin pero mabilis kang umiling ng sunod-sunod." May ngtiti na naglalro sa mga labi ni Dad habang inaalala ang nakaraan.


"No tito. Sabi kasi ng Mommy love ko po, Daddy na din ni Dada ang Daddy nya kassi kasal na sila. E paglaki ko po pangako po papakasalan ko yung little bride ko na anak nyo po kaya magiging daddy ko na din po kayo." Nagtawanan ang lahat sa kwento ni Dad. Si Ferline naman ay sinusundot ang tagiliran ko at nanunukso.


"Labs, bata pa lang pala tayo patay na patay ka na sa akin e." ang laki ng ngiting tukso nya.


"Sa gulat ko ay hindi ako agad nakasagot kaya tinalikuran mo ko at lumapit ka sa prinsesa ko. I was about to get my daughter and bring her home dahil natakot ako sa sinabi mo pero napigilan ako ng esposa ko at sinabing salitang bata lang iyon at makakalimutan mo din yon. Imagine my horror when you ask me for Ferline's hand in marriage at the age of 5. Gusto kong ikulong ang prinsesa ko at itago mula sayo." Nagtawanan ulit ang lahat habang ako ay naiiling na lang.


"Balae, huwag nyong mamasamain, pero sa anak nyo man na babae mangyari ay baka mas malala pa ang reaksyon nyo." Baling nya kila Mommy na tumatango tango habang si Dad ay sinamaan ng tingin ang kambal bago bumaling kay Daddy at tumango ng sunod-sunod.


"Basta Franz, iyon lang ang hiling ko. Inaasahan kong tutupad ka sa usapan natin tulad ng pagtupad mo sa naging usapan natin twenty years ago. Alagaan mo ang mag-ina mo."


"Opo Dad."


"At ikaw naman Ferline, princess.. Alagaan mo ang sarili mo at ang pamilya mo. You're a family wowan now. Humag masyadong matigas ang ulo. It's not just you now, palaging makikinig at umintindi. At lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng mommy mo handang umalalay at gumabay. Mahal na mahal ka namin. Ikaw lang ang nag-iisang princess namin." Madamdaming sabi nya at saka lumapit kay Ferline na agad naman sumalubong ng yakap.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon