33 - Present Time (Part 2)

6.3K 151 3
                                    

"Until when are you planning to stay here?" biglang pag-iiba nya ng usapan. I smiled triumphantly.


"Two weeks ot until I am finished designing the rest of the Villa, whichever comes first." I answered as I bowed down my head to continue what I am doing.


"You don't have to finish it all right away. You can go home to Manila and come back here, maybe, every other week" he suggested, but I want to finish it as fast as I can.


"No, I'll be staying here until I finished the rest of the Villa and that is final." I answered firmly without looking at him.


"But I need to go back in Manila before Friday!" gusto ko sanang sabihing wala akong pake pero naisip ko na client namin sya.


"I don't need you here. You can go home as soon as now, no one is stopping you."


"You're impossible! You are throwing me out of my own resort?" I almost roll my eyes.


"You are over acting, I was just saying that you can leave anytime you want, that's all." Hindi na sya sumagot. Pinigilan ko naman ang sarili kong mag-angat ng ulo para Makita sya. I can't stand the sight of him but at the same time, I want him near me. I'm going crazy really!


Ang sumunod ko na lang na narinig ay ang malakas na balibag ng isinarang pinto.


Nang mananghali ay ininit ko lang ang burger at fries na binili ko kanina at iyon ang itinanghalian ko. Bahala si Madrigal sa buhay nya!


Halos alas dos na ng hapon lumabas si Madrigal sa kwarto nya at dumiretso sa kitchen, siguro ay maghahanap ito ng makakain. Dinig na dinig ko ang kalampag ng mga gamit doon pagkatapos ay lumabas.


"Walang pagkain?" paangil nyang tanong.


"May nakita ka?"


"Magtatanong ba ako kung may nakita ako?" asar nyang tanong at nameywang pa talaga sa harapan ko.


"Wala kang nakita diba? Eh di wala! Use your common sense nga Madrigal!" Pang-asar kong sagot. Sa ganitong paraan man lang, makaganti ako sa kanya kahit papaano.


"Bakit hindi ka nagluto?"


"Bakit? Kasama ba sa trabaho ko dito ang ipagluto ka ng tanghalian? Wala kasi akong nabasang ganoon sa kontrata." Sarkastiko kong tanong. Ano ako? Katulong?


"How about you? Kumain ka na ba? Anong kinain mo?" sunod-sunod nyang tanong.


"Hindi mo na problema yun!" Pagsusungit ko. Ayoko sa tonong ginamit nya. The way he asked, para bang nag-aalala sya at may pakielam sya sa akin.


"Look at yourself! Ang payat payat mo na! Kumakain ka pa ba ng tatlong beses sa isang araw?" sigaw nya sa akin. Oo, alam ko naman na pumayat ako lalo pero nagbabawi na naman ako ng kain. Dinadamihan ko na talaga ang kain ko.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon