Jusme. Pasensya na po at ngayon lang nakapag update. Sobrang busy lang po plus nawala ang usb kaya nahirapan ako. para po akong nagsimula ulit sa umpisa sa pagkawa ng usb ko na yon. Sorry po sa mga walang sawang nag-aantay. Sorry din sa mga di ko narereplyan na comment. O sya, eto na. Di ko na patatagalin.
***
As we face the officiator, I know, there is no turning back. Wala ng atrasan 'to. And I am very much willing to say goodbye to my singlehood. Sabi nga nila, PAPASAKAL na daw ako.
This simple wedding is the most special day for me. The day that unites me to my Ferline. Yung araw na magiging isa na lang kami.
I listened carefully to what the officiator is saying while a stare most of the time to the gorgeous lady beside me. I may sound gay but I am lovesick. Seriously, I can't take my eyes off her.
"Franz and Ferline, lagi nyong tatandaan na simula sa araw na ito ay iisa na lamang kayo. Ano ang ibig sabihin nito?" tanong ng pari pero hindi naman nya kami hinayaang sumagot.
"Hindi pwedeng tama ang isa at mali ang isa. Hindi pwedeng mabait ang isa at masama ang isa. Hindi pwedeng mas magaling ang isa sa isa. Lagi nyong tatandaan na iisa na lang kayo at ang pagkakahati sa gitna ay maliwanag na nangangahulugan na ikasisira nyo." Tumango pa sya habang nakataas ang dalawang kilay habang hinihintay ang pagtango namin. Ferline and I nod as acknowledgement.
"Isa pa sa lagi nyong tatandaan ay ang apat na "C" na importante sa isang pagsasama."
"First C is Christ. You need Him in the center of your relationship. He will never fail you. Hindi Sya nangangakong hindi kayo mahihirapan pero patatatagin nya kayo, sya ang magiging lakas nyo sa bawat pagsubok na dadaanan nyo. He will guide you to every trials. Sa Kanya din kayo huhugot ng lakas sa tuwing nanghihina kayo. He will provide you everything that you need."
"Second "C" is commitment. Simple lang. Commit yourselves to each other. Commitment is yung paninindigan mo sa pangakong bibitawan nyo ngayon. Na magmamahal kayo sa araw-araw. Magmamahalan kayo kahit galit kayo sa isa't-isa, magmamahalan kayo kahit na kasuklam-suklam na ang isa. Pero. Pero hindi ibig sabihin ay aayon ka na lang sa mga maling bagay. Iba 'yon." Pinakadiinan nya talaga ang huling sinabi. I looked at Ferline and she is so focused on what the officiator is saying.
"Ikaw, unang-una dapat ang magreremind sa kabiyak mo na mali na ang ginagawa nya. Remember, a Godly partner will only lead you to the One above. Hindi ka nya hahayaang mapasama. Godly partner will honour and cherish you. The one who will encourage you to deepen your relationship with Jesus. The one that will bring out the best in you and wants the best for you."
"The third "C" is compromise. It is a settlement of differences in which you both makes concessions. It is when you two give up some demands to meet somewhere in the middle. To agree on something less than what was originally wanted." Tumikhim muna sya bago nagpatuloy sa pagsasalita na para bang nagpipigil sya ng tawa.
"Ganito daw yung example ng compromise. May mag-asawang tinanong kung bakit napakaganda ng samahan nilang mag-asawa. Sumagot si lalaki, ang sabi nya, 'noong ikasal kami, nagkasundo kami na sa pagdedesisyon, kapag major decision ang kailangan, ako ang magdedecide at kapag minor naman ay ang may bahay ko ang magdedecide.' 'aba'y napakagandang rule naman nyan pare.' Sagot ng nagtanong. 'Ang kaso pare, sa mahigit bente anyos na pagsasama namin, lahat ng desisyon na kailangang gawin ay minor lang.' kakamot kamot sa ulo na sagot nung lalaki." Kwento ng pari na ikinatawa ng lahat. Kahit si Ferline ay tawang-tawa. Bentang benta sa kanya ang joke ng pari.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
Ficción GeneralFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...