12 - Present time

9.4K 214 5
                                    


Life is so fleeting. One minute, they are with you and the next, they're gone. Ganun ang buhay, sa isang iglap lang, pwedeng kuhanin sa'yo, pwedeng mawala ng hindi mo namamalayan.


Katulad ng nangyari kanina, naglalaro lang kami then the next thing I knew, nalulunod na sya. He almost got himself killed back there. What if namatay sya doon? Anong magiging balita? A champion swimmer got himself drowned?


Yes, that's the irony of it. He was the champion swimmer way back in high school and college days tapos ang ikamamatay nya ay pagkalunod? Noong nagkunwari syang nalulunod ay nainis ako dahil napaniwala nya ako at hindi ko naisip na magaling nga pala syang lumangoy pero mas nainis ako noong hindi ako naniwala sa pangalawang pagkakataon na totoo na palang nalulunod sya. What if walang nakakita sa kanya? What if iniwan ko sya talaga? What if nahuli kami sa pagsagip sa kanya? Those What-if's that I don't want to be answered.


That moment, I promised to let my grudges with him go. I must forgive him for all the heartache he has given me before it's too late. I need to let my hatred for him go.


"Hey, Ferline, talk to me." Pangugnulit nya, we're on our way to pier going back to Manila. Hindi ko pa din sya kinikibo. Oo, I decided to forgive him, but this is a different matter, kanina ko pa kasi sya pinipilit na magpa check up bago sana kami nakasakay ng barko pabalik ng Manila pero tumatanngi sya, saying that he was okay and all but I wanted to be sure.


"Fine, I'll have a check up." He exclaimed as he parked his car in front of a small clinic


Pagkatapos syang i-cleared ng Doktor ay dumeretso na kami sa pier.


Nasa upper deck kami ngayon, tinatanaw ang kadiliman, kahit na gabi ay madami pa ding pasahero na nandoon nakatambay. mostly mga kabataan ang nandoon.


Normal na din ang pag-uusap namin, hindi ko na sya inaangilan o tinatarayan. I'm true to my words na papatawarin ko na sya. I don't want to hold my anger inside anymore.


Magaan pala sa pakiramdam yung wala kang kinikimkim na galit sa dibdib para sa ibang tao. It felt light.


We slept in the cabin assigned to us. Wala namang problema sa akin yun dahil may tiwala naman ako kay Franz. He can have any girl crawling on his feet if he wanted to. Kaya alam kong hindi sya gagawa ng kahit na anong ikagagalit ko.


"Mom would be delighted if you can come with me at our family dinner."


"Are you asking me?" I asked playfully.


"Yes.We're okay now, aren't we?" He asked back.


"Yes to both question." I flashed him my sweetest smile.The smile I used to give him years ago.


"Yes!" napahampas pa sya sa steering wheel sa katuwaan. "Kung alam ko lang, sana, matagal na akong nagpakalunod!" dugtong pa nya. Hinampas ko sya at saka sinamaan ng tingin. Nakakainis yung biro nya. Hindi nakakatuwa.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon