16 - Present Time

8.2K 161 1
                                    


"Ferline, can we go out on a date?" I asked while eating our snacks.


"When?" tanong nya habang nakayuko pa din doon sa ginagawa nyang designs.


"Tomorrow perhaps?" nananantya kong tanong, hindi ko kasi alam sa mood nya, at isa pa, napaka professional nya kapag oras ng trabaho


"Where?" she asked again, still not looking at me.


"Somewhere northbound." Sagot ko, balak ko kasi syang dalin sa Pangasinan lang naman. Hindi kami pwedeng lumayo masyado dahil limited lang ang oras namin.


"So, no work tomorrow as per client's declaration?" she asked beaming at me. Mukhang excited sya. That's good.


"Yep. You could say that. Alis na tayo mamaya, ilang oras na byahe din kasi iyon." Nakangiti ko ng sabi.


"Yeah, sure. Pwede naman tayong magpalitan ng drive kung sakali." Masayang sabi nya at saka inumpisahan ng ayusin ang mga gamit nya. Excited talaga.


I have a plan for this short getaway. May sagot na ako sa tanong nya na buong maghapon kong pinag-isipan. And I want to ask her to be my girl somewhere nice. I want this day to be memorable too. I know it's gay but I will still do it for Ferline.


***

Almost nine in the morning na kami nakarating sa Alaminos Pangasinan. Bumili kami ng food dahil napagkasunduan na sa boat na kami kakain habang nag-a-island hopping.


Nirentahan namin ang boat ng isang buong araw para ilibot kami sa Hundred Island. Kaya pang isang buong araw din ang binili naming pagkain.


"Pag nabilang mo kung hundred ba talaga ang islang nandito, sasagutin na kita kahit na hindi mo na masagot ang tanong ko." Natatawang sabi nya. Hindi naman imposible iyon pero ayoko pa ding gawin.


"Nah, sasagutin ko na lang yung tanong mo." Parang ang babaw naman ng dahilan na yon para sagutin nya ako.


"Ikaw bahala." Sagot nya at saka ako sinubuan ng hotdog na agad ko namang tinanggap. My sweet Ferline is slowly coming back. Hindi ko sya mamadaliin, alam ko kung ano ang kasalanan ko sa kanya before kaya handa akong maghintay kung kailan nya ako mapapatawad ng buo.


"Let's try the helmet diving." Aya ko sa kanya. Kasama kasi iyon sa package ng rent ng boat.


"Sure. May guide naman yun di ba?" nakangiti nyang pagpayag.


"Yep. At saka kasama mo naman ako kaya wala kang dapat ikatakot." Mayabang kong sabi at iniliyad pa ng kaunti ang dibdib. Inismiran lang nya ako.


"Kaya pala." bitin nyang sabi


"Kaya pala ano?" I asked


"Kaya pala muntik ka ng malunod sa dagat!" pang-aasar nya.


My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon