31 - Present Time

5.7K 107 1
                                    

"Sweetheart, sorry, hindi kita masusundo ngayon." Malambing na sabi ni nya sa kabilang linya. I've expected this.

"It's okay." Matamlay kong sagot. Namimiss ko na sya. Last na kita namin ay noong Saturday pa. Thursday na ngayon at araw-araw ay tumatawag sya para lang sabihing hindi nya ako masusundo. Mabuti na lang at nadala ko ang kotse ko.

"I'll make it up to you sweetheart, promise. I am really in a hurry now. Bye." Halata naman sa boses nya na nagmamadali sya. He ended the call as soon as he bid his goodbye without waiting for my answer.

Alam ko naman na busy sya dahil malapit na ang annual company meeting at party at madami talaga silang inaayos pag ganoon.

Halos five months pa lang kami at dapat nasa stage pa kami kung saan sobrang sweet pa ang couple pero parang ang tagal na namin, parang pakiramdam ko nga ay nanalalamig na sya sa akin.

Pinipilit ko naman syang intindihin dahil nalaman ko kay Chelo na bukod sa Annual event na ginaganap sa company nila ay mayroon ding pinaghahandaan si Franz na isang malaking foreign investor. A big client in the future na gustong makipagdeal sa kanila. Lahat naman daw sa opisina nila ay laging busy at overtime pero minsan talaga ay hindi ko mapigilang mag-isip ng hindi maganda.

"Ferline may bisita ka daw sa Lobby." I was pulled out of my reverie when my officemate informed me that I have a visitor. I didn't bother to ask who it is, agad akong naexcite, isa lang naman kasi ang bumibisita sa akin dito.

Siguro ay kaya nya ako tinawagan ay para i-surprise ako. He reaaly loves to surprise me. Nagmadali akong bumaba na may malapad na ngiti sa labi.

Habang papalapit sa Lobby ay unti-unti ng nawawala ang ngiti ko. Natanaw ko ang pamilyar na mukha sa Lobby pero hindi sya iyon. It is someone else.

"Hi Ferline! I was within the area, so I decided to dropped by. I hope you don't mind." Nakangiti nyang bungad sa akin. Napataas ang kilay ko sa sinabi nya, lalo na noong inabot nya sa akin ang dala nyang bouquet of flowers and chocolates. Saan ka naman nakakita ng napa "drop by" lang na may dalang flowers and chocolates? Ano yun? Napadaan sya tapos automatic na may bulalaklak at chocolates na agad sya? Sinasadya nya ito!

Of course, I do mind." Madiin kong sagot. Napilitan din akong tanggapin ang ibinibigay nya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.

"Do you want to grab some snack?" alok pa nya, hindi man lang nakahalata ang loko na naiinis ako sa presensya nya. Akmang tatanggi na ako pero nabitin iyon sa ere dahil sa bagong pasok sa Lobby. Agad na dumulim ang mukha nya pagkakita sa hawak ko at sa kausap ko.

Nag-iwan lang sya ng matalim na tingin bago tumalikod at umalis. Akmang hahabulin ko si Franz noong pigilan ako ng bwisit. Hawak nya ang braso ko.

"Get off me Clyde." Maddin kong sabi kasabay ng pagpikit ng mata tanda na nagpipigil ako ng inis.

"Your boyfriend doesn't trust you." He commented and it anger me more. Hindi naman siguro, nagseselos lang iyon kaya ganun at hindi nya kailangan mag comment ng ganun!

"It's none of your damn business." Pagtataray ko at saka ipiniglas ang kamay at tinalikuran sya para bumalik na sa office.

"You can trust someone without loving them but you can't love someone without trusting them." Napahinto ako sa sinabi nyang iyon. May point pero ayoko syang kausap dahil sya ang dahilan kung bakit nag-walk-out si Franz.

Sa office ko na iisipin ang mga sinabi nya. Nanghihinayang akong itapon ang flowers kaya ibinigay ko na lang iyon sa janitress na nakasalubong ko kasama ang mga chocolates. Tuwang-tuwa naman sya at may maipapasalubong daw sya sa mga anak nya at may mailalagay daw syang bulaklak sa altar nila. At least, may pakinabang ang mga iyon kesa sa basurahan dumeretso.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon