Lee's Note: Guys, sensya na eto lang muna ang na-a-update ko ha. Eto lang talaga nakakayanan ng utak at munting kasipagan ko. I know, Andrei's story is long overdue na. Pati sa timeline ng kwento ay late na talaga. Paumanhin at pagpasensyahan ang aking kakuparan at katamaran a'right? I can't promise you guys anything, ang naipapangako ko lang ay tatapusin ko ang anumang kwento na nasimulan ko na dito sa wattpad. You just have to wait patiently and keep up with my slow update. Thanks for the support (in the form of votes, comment, pm, follow) you guys are giving me. Thank you! I just wanna let you know that I've appreciated it so much and it kind of inspire me to update. Lol, drama ko na ba? O sya, eto na ang update. Keep calm and enjoy reading! xoxo.
***
"Franz ano ba? Umayos ka nga!" galit na sigaw ni Mommy sa akin. Naabutan nya kasi akong may sinisinghalan at tinatanggal na naman na empleyado.
"Mommy, maayos ako. Iyong finance officer na iyon ang hindi maayos kaya he's fired."
"My God Franz! Kung hindi ka titigil sa pagtatanggal ng mga empleyado, baka maubos sila!" inis na sermon sa akin ni Mommy.
"Mom, ang daming naghahanap ng trabaho, hindi tayo mauubusan." Walang gana kong sagot. Akala mo naman mga most treasured ang mga tauhan nya dito.
"Franz Madrigal, we don't treat our employee that way. Kung ganyan ka ng ganyan, mapipilitan ang daddy mo na magtake-over. Inirereklamo ka na din ng mga Board of Director. You and your bad temper." Pananakot ni Mommy.
"So pati ang posisyon ko sa company na'to, mawawala din sakin? Great! Just great!" I said, raising my voice. Soundproof naman ang office ko at si Mommy lang ang nakakrinig sa akin.
"Hindi mawawala sa'yo anak. Ang amin lang, kapakanan ng kumpanya at mga pamilya ng empleyado natin ang nasa kamay mo, kailangan mong umayos or you can take a vacation for a while. Your dad can take care of this for the meantime." Malumanay na sabi ni Mommy, kitang kita ko sa mga mata nya ang awa para sa akin.
"No Mom. I can handle this." Matigas kong tanggi. Alam kong ayaw na ni Dada at mapipilitan lang sya kung sakali. He's been managing this company for years older than my age.
"No you can't. Pinapatay mo na ang sarili mo. Isusubsob mo ang sarili mo sa trabaho at pagkatapos ay uubusin mo ang natitira mo pang oras sa paghahanap sa taong ayaw naman magpakita sa'yo!" galit na sigaw ni Mommy.
Sasagot pa sana ako pero naudlot iyon noong bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang bunso kong kapatid.
"Mom, Let's go. Let Franz take care of his own sh*t." Chelo said harshly. Alam kong galit na naman si Chelo sa akin dahil sa ginawa k okay Ferline. Hindi na naman nya ako tinatawag sa endearment nya sa akin. Nasapak din nya ako noong umuwi ako sa amin kinabukasan ng mawala si Ferline at Shane.
Inamin ko na kasi sa kanila ang ginawa ko kay Ferline. Dad's really mad at me, naunahan lang sya ni Chelo sa pagsapak sa akin. Si Cheska at Mommy naman ay umiyak lang.
Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na ako kinausap ulit ng kambal. Si Mommy naman ay iyak lang ng iyak sa tabi ni Dad habang pinangangaralan ako.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...