Success! This is the long overdue update. Salamat sa matyagang paghihintay. (As if I am giving you any other choice no? Hahaha) Anyway. Eto na. Malapit na tayo sa katapusan. Konting kembot na lang. Konting tiis na lang sa katamaran ko.
Para sa mga nagbabasa nito na nagbabasa din ng Sean's Downfall (Andrei's Story) updated na din po iyon. Nauna lang ng kaunti.
Salamat po sa suporta! Sa walang sawang paghihintay sa makupad na update ko. (Nahihiya na nga ata ang pagong sa kakuparan ko. Hahaha) At saka sa mga errors na makikita nyo, ipagpaumanhin ang inyong lingkod. Isang mata na lang kasi ang dilat sa akin habang tinatype ko ito at excited akong mag-update at nahihiya na din ako sa mga naghihintay kaya ni post ko na. Later (means pag may time) ko na lang ito ipoproofread.
Basta. Happy Reading.
***
It has been three days pero hanggang ngayon, parang hindi pa din ako makapaniwala na Mrs. Franz Madrigal na ako.
Nauna ng umuwi sila Mommy Tsina kasama ang kambal, kami lang ang naiwan dito ni Franz para daw sa honeymoon namin.
Nagpaplano din syang lumabas ng bansa pagkapanganak ko. Kahapon ay nagtitingin na kami ng magandang puntahan sa labas ng bansa kahit pa sinabi ko na okay na sa akin na dito lang kami sa resort. Sobrang ganda naman kasi dito. World class talaga ang mga beach sa bansa natin. At hindi lahat ay mayroong sandbar katulad ng lugar na ito.
Sobrang nakakarelax kapag tinitignan ko ang banayad na alon. Sariwa din ang hangin hindi katulad sa manila na puro polusyon.
"Sweetheart, anong ginanawa mo dito, mainit na." Franz said as he embrace me from the back. Nandito kasi ako labas ng villa nya, sa lilim ng puno ng niyog.
"Nagpapahangin lang ako lalabs."
"Mainit na dito. It's ten in the morning, hindi na healthy ang sikat ng araw." Pangangaral nya. Napaikot na lang ako ng mata sa sinabi nya. Ang OA. Nasa lilim naman ako e.
"Pasok na tayo sweetheart." Pangungulit pa nya noong hindi ako sumagot. Tumango lang ako at saka humarap na sa kanya at agad naman nya akong sinalubong ng halik sa labi.
"Hmmmmmnnnn.. Now, that's good morning wife." He murmured after the kiss. Siraulo talaga.
"What do you want for lunch?" tanong ko habang papasok kami.
"Chicken adobo is fine with me. Ikaw? Baka may gusto kang kainin?"
"Wala na no. Ano ka ba, tapos na akong maglihi." Natatawa kong sagot. Palagi kasi syang tanong ng tanong kung may gusto daw ba akong ipabili or kainin.
"A'right, do you wanna go island hopping?"
"Seriously Madrigal? Anlaki na ng tyan ko. May galit ka ba sa akin at gusto mo akong pahirapan?" taas kilay kong tanong. Kita na nga na malaki tyan ko e. Pag-akyat pa lang ng Bangka mahihirapan na ko.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
Fiksi UmumFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...