54 - Last

10.7K 229 33
                                    

Ang hirap pala ng buhay may asawa. Ang hirap ng buhay ng pamilyado.

Yes, it was, it is, and it will always be, hard but it is also the most rewarding thing in the whole wide world.

Having a family to call your own. 

Noong nagkaroon ako ng sariling pamilya ay narealize ko na napaka swerte ng mga anak at napakalaking hirap para sa magulang ang responsibilidad.

Mas na-appreciate ko ang parents ko noong naging magulang ako. Mas naintindihan ko sila at mas minahal ko sila.

At mas naintindihan ko na kung bakit kahit mahirap ay mas pinili pa din nilang itaguyod at harapin ang responsibilidad nila kesa ang talikuran ito at mamuhay ng madali.

It is my family who completed me. My husband Franz, na paminsan minsan ay sakit pa din talaga sa ulo, my first born, Hermes na napakakulit at nuknukan ng pilyo kahit na tatlong taong gulang pa lang sya, and the one inside me. I hope it's a girl this time.

Sana gumana ang method na ginawa namin base sa family planning na dinaluhan namin ni Franz.

May kasunduan kasi kaming kapag ang sunod naming anak ay baby girl ay pwede na namin itong hindi sundan.

Dati ay gusto ko ng madaming anak at malaking pamilya pero noong naranasan ko ang hirap maglihi, manganak at mag-alaga ng pagkakulit kulit na si Hermes ay umayaw na ako.

Tama na sa akin ang dalawa or tatlong anak.

"Sweetheart, di ba pupunta tayo sa office ni Daddy?" "Po" muntik na akong matawa sa anak ko. Lagi nyang kinakalimutan ang "Po at Opo" tingin ko ay sinasadya nya. Minsan ay nangangatwiran pa sya sa amin na kesyo di din naman daw kami nag Po at Opo pag kausap namin ni Franz ang isa't-isa.

"Yes po baby. Magpaligo ka na kay Yaya." agad syang ngumuso sa narinig.

"Sweetheart, ikaw na lang ang magpaligo sa akin Po. Please Po." pacute nyang sabi.

"Bakit po ayaw mo magpaligo kay Yaya baby?" ngumuso lang ulit sya at nagyuko ng ulo. Ayaw na ayaw nyang nagpapaligo sa Yaya nya. Kung hindi si Franz ay ako talaga ang nagpapaligo sa kanya.

"E kasi sweetheart, kikita na naman ni yaya pototoy ko." namumula ang tenga nya. Natawa naman ako sa sinabi nya kaya mas lalo syang sumimangot.

"Sige na baby. Ako na po magpapaligo sa'yo pero wag masyado malikot ah?" sabi ko sa kanya. Mabilis naman syang tumango. Kailangan ko ng dobleng ingat ngayon.

Binata na ang anak ko. Nahihiya na sya sa mga ganoong bagay. Sa susunod, pati sa akin o sa Daddy nya, tatanggi na din itong magpaligo.

"Sweetheart kelan ako pwede maligo ng ako lang? Po." pangungulit nya habang nililiguan ko sya. ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Kapag po malaki ka na baby." natatawang sagot ko.

"E bakit si Daddy, kahit malaki na, nipapaliguan mo pa sa gabi minsan?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Siraulong Franz! Kung ano-ano na naman ang sinasabi sa anak namin!

"Hindi ko na sya pinapaliguan baby, hinahanda ko lang po ang bihisan nya kapag naliligo sya." Pagpapalusot ko. saka maniwala ang batang makulit.

"Eh bakit sabi ni Daddy, lagi mo daw sya nipaliliguan pag gabi tapos tulog na ako non. Gusto ko nga sumama kapag nipaliguan mo si Daddy e."  Hay nako. Napakakulit talaga.

"Sweetheart, minsan, gisingin mo naman ako kapag liliguan mo na si Daddy, para sasabay mo ako paliguan." dugtong pa nya noong hindi ako agad makasagot.

"Hindi ko nga pinapaliguan ang Daddy mo baby. Halika na. bibihisan na kita." sagot ko. Akmang kakargahin ko sya noong umatras sya.

"Ay sweetheart, sabi ni Daddy bawal na daw ako magpabuhat sayo. Kasi kawawa daw si baby gurr sa tummy mo." namimilog ang mata nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon