Grand opening na ng Resort. Nandoon ang lahat ng may-ari ng Resort. Mayroon din silang mga bisitang inimbita na galing pa ng Maynila ang iba.
Masayang naidaos ang okasyon. Ang iba ay naglangoy, ang iba ay sinibukan ang indoor game facility ng resort, ang iba sa outdoor. Si Tita Tsina, ako, ang kambal at si Tita Ven ay nagpunta naman sa spa. Doon daw nila gustong ipamper ang sarili.
Si Franz naman ay kasama ang Daddy nya at mga Lolo sa pag-iikot gamit ang service kart ng Resort. Malawak kasi talaga ito at kumpleto ang facilities and amenities.
Nagpaplano pa nga silang maglagay ng Zipline para daw sa mga gustong tanawin ang kagandahan ng lugar mula sa itaas.
Pagbalik namin sa function hall ng isang Villa kung saan ginanap ang salo-salo ay nandoon na din sila Franz at masayang nakikipag-usap sa ibang mga bisita.
Hindi nakaligtas sa aking mata ang kamay ng isang babae na marahang humahaplos sa may bandang likuran ni Franz habang kausap ni Franz si Tito Franco at ng isa pang matanda.
Sumunod naman ay nilingon ito ni Franz at may sinabi ang huli dito na ikinatawa ng babae na sinamahan pa ng mahinang hampas sa braso ng boyfriend ko!
Yung hampas na may kasamang landi. Alam nyo ba yun? Bumaling na ulit si Franz sa mga kausap habang ang babae naman ay itinotodo ang dikit ng katawan nya sa katawan ng boyfriend ko.
"Panonoorin mo na lang ba kung paano landiin ng iba si Love?" tanong ni Chelo na biglang lumitaw sa gilid ko. May hawak na syang dalawang kopita na may lamang wine at inabot ang isa sa akin.
"Ate love, please take care of kuya, don't let leeches come near him just like that. It's dirty, you know." Maarte pa nyang sabi bago ako hinila palapit sa apat. Ayoko naman talagang panoorin iyon pero ayoko din naman silang lapitan. Baka mga client or investor yung mga kausap eh.
"Dada, I missed you!" malambing na pag-agaw ni Chelo sa atensyon ng Daddy nya at saka yumakap pa dito. Agad naman syang inakbayan ni Tito Franco na tatawa-tawa. Palihim na kumindat sa akin si Chelo at saka inginuso ang kuya nya. Sinesenyasan nya ako na lapitan ito.
"Sweetheart! Kanina pa kita hinahanap!" sabi ni Franz noong makita nyang nasa likod ako banda ni Chelo. Agad syang lumapit sa akin at humalik sa pisngi.
"Mr. Lao, and Ms. Lao, this is my youngest daughter, Herschel and that lovely lady beside my son is his girlfriend, Ferline." Tito Franco introduced us. Parang pamilyar sa akin ang family name nila. I think, I've heard it somewhere.
"Nice to meet you po!" Sabi ni Chelo sa magiliw na paraan pero ang ngiti ng mata nya ay kakaiba, kung kilala mo ito ay malalaman mo na ang ngiting ibinibgay nya ay iyon ngiti na may naiisip syang kalokohan.
Ako naman ay nakipagkamay lang kay Mr. Lao at Ms. Lao bilang pag galang. I don't know if am I just being paranoid or what but the stares Ms. Lao is giving me is somewhat unsual. Parang may iba.
"Dad, Mr. Lao, can I excused myself for a while? May pag-uusapan lang kami ng girlfriend ko." Magalang na paalam ni Franz. Tumango lang ang dalawang matanda at hinila na ako ni Franz palayo doon.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...