28 - Present Time

6.8K 139 1
                                    


Pag-uwi namin ay deretso na kami sa Tagaytay. Nag check-in kami sa isang hotel para makapag-pahinga muna. Napag-usapan kasi namin na bukas na ng umaga mamasyal. We decided to go sailing dahil iyon ang hindi pa namin pareho nata-try.


Alam ko naman kasi na magaling sya sa horse back riding dahil bata pa lang ay tinuruan na syang mangabayo ng Papa Andrei nya, alam ko din na nakapunta na sya sa Taal dahil madalas pumasyal ang pamilya nila doon lalo na nung mga bata pa sila.


Isang room lang ang kinuha namin. Ayaw nyang pumayag na dalawang rooms pa ang kunin namin.


"Sweetheart, anong gusto mong kainin? Pa room service na lang tayo?" Pagod kasi sa pagdadrive kaya tinatamad.


"Gusto ko sana kumain ng famous bulalo nila dito e" nakanguso kong sabi, ayaw naman kasi nyang lumabas e.


"We'll order bulalo then. Specialty naman nila dito yun, for sure meron sila."


"Sure ka ha? Shower muna ko." Paalam ko sa kanya, medyo nabuhayan ako ng dugo. Mabuti may heater ang bathroom dito, bigla kasi akong nilamig.


Mabilisang ligo lang dahil nilalamig talaga ako. Pagkatapos kong mag shower ay si Franz naman ang nagshower, sakto namang pagkatapos nya ay dumating na ang inorder namin.


Nag-order din pala sya ng Sisig at Chicharon Bulaklak. Good thing is, nag order sya ng extra rice, ang sarap ng kain namin. Sobrang busog.


"Hmmmnnn.. Nakakaantok." Sabi ko habang hinihimas ang tyan.


"Parang baboy lang sweetheart ha! Pagtapos kumain, aantukin!" sinamaan ko lang sya ng tingin, nag-uumpisa na namang mang-asar.


"Dapat lang, matulog tayo ng maaga, maaga pa tayo bukas."


"Ayaw mo bang mag cuddle muna habang nagkikwentuhan?" tanong nya na parang nang-aakit. Hindi ko alam kung normal na tanong iyon o may iba pang meaning.'


"Inaantok na ako Franz." I faked a yawn.


"Pampagising, gusto mo?" bulong nya sa tenga ko dahilan para makaramdam ako ng kilabot.


"Madrigal, matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas." Sabi ko saka nagmamadaling tumungo sa kwarto at nahiga.


Nakasunod naman sya sa akin pero bago sya nahiga ay pinatay muna nya ang ilaw at binuksan ang lampshade sa side table.


"Goodnight sweetheart. Dream of me,." Bulong nya sa akin at saka umayos ng higa.


"Night laloves." Bulong ko na lang din habang nakapikit ng madiin ang mga mata. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan kasi ako na baka makalimot na naman kami.


Hindi ko naman pinagsississihan na may nangyari na sa amin at ayoko iyong pagsisihan sa hinaharap pero ayoko din muna na maulit iyon.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon