"Ferline, what happened to the Senator's Mansion? His secretary called, hindi daw nasunod yung instruction?" My boss asked as soon as I answered his call.
"Alin daw po ang hindi nasunod? Last na kita namin ni Senator ay okay naman. Pinapadala na nga nya sa akin yung Last payment cheque nya kaso hindi ko tinanggap at sinabi kong sa office na lang ipadala." Nagtataka kong paliwanag. Totoo naman. Nakausap ko si Senator noong last day ko kaharap ang anak nya.
"But his secretary called informing me that the cheque was on hold." Nagtataka na ding sabi ng boss ko. Hindi ko alam kung anong problema nila Senator at ginagawa nila yun.
"I'll call them later regarding this matter." Ang nasabi ko na lang, hindi ko din naman alam ang problema kaya iyon lang talaga ang masasabi ko.
"Okay, please update me okay?" Pagkatapos non ay agad kong hinanap ang calling card na ibinigay sa akin ng anak ni Senator pero hindi ko iyon makita.
Sinubukan ko ding ma-contact ang line ni Senator pero yung bwisit nyang Secretary-cum-mistress ang sumagot. At ang gaga, ang "room" pala nya na ipinabago ng anak ni Senator ang ipinagpuputok ng butse nya.
Eh sa pinabago ng anak ni Senator e? Pinagawang nursery dahil buntis ang Misis nya. Sino bang susundin ko? Yung anak o yung Secretary-sum-mistress? Arghhh! Nakaka-stress!
Kailangan kong makausap si Senator o kahit sino sa family member na hindi dumadaan sa bwisit nyang Secretary. Hinaharang kasi nya talaga.
"Sweetheart, why the angry face?" nagtatakang tanong ni Franz noong madatnan nya ako na nakasimangot sa sala.
"Kakapal talaga ng mukha ng mga kabit na yan!" nanggigigil kong sagot.
"Whoa! Teka! Wala akong kabit ha?" He said defensively. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Bakit parang guilty ka ata?" Lalo akong nainis.
"Wala talaga sweetheart! Promise! Sino ba yung kausap mo?"
"Yung Secretary-cum-mistress ni Senator, hino-hold yung Cheke namin." Naiinis ko pa ding kwento.
"Sweetheart, masama yan. Anong mistress? Nambibintang ka. Bakit daw pina hold?"
"Hindi ako nambibintang. Yun ang totoo. Senator's wife confirmed it." Inis kong sagot.
"Why don't you answer your phone? Kanina pa iyan ha." Sabi nya, kanina pa kasi may tumatawag sa akin pero hindi ko sinasagot, hinanayaan ko lang mag-ring, I just put my phone on silent mode.
"Unregistered number eh."
"Sagutin mo, baka emergency yan."
'Baka nanloloko lang yan." Sabi ko, ayoko ngang sagutin, mamaya iyan yung mahaderang kabit ni Senator, madagdagan pa ang inis ko.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...