I am busy scanning documents that need my signature when I heard a ping from my laptop. It was from my PA. Sa messenger nya pinapadaan ang mga gusto nyang sabihin pag ganitong ayokong magpaistorbo.
PA: Sir, Ms. Herschel is outside your office, should I let her in?
Napakunot-noo ako sa nabasa, kakahatid ko lang sa kanila kanina, tapos nandito na sya agad? What is her problem this time?
"Love! Ang higpit ng PA mo! Buti magaling ako lumusot!" napapapadyak na bungad nya habang hinihingal pa, kasunod nya ang PA ko.
"It's okay, Tin, you can leave us." Baling ko sa PA ko na parang takot na takot dahil nalusutan sya.
"Love, guess who kung sino ang nakita ko sa Mall ngayon ngayon lang?" she asked enthusiastically. Ano naman kaya ang pakielam ko sa mga tao sa Mall? Masyado akong busy para isama pa sa iisipin ko kung sino-sino ang pupunta sa Mall sa araw-araw.
"Who?" walang gana kong sagot at saka ibinalik ang tingin sa mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa ko. Alam kong mas mangungulit sya kapag hindi ko sinakyan ang trip nya.
"Love! I need your full attention with this!" makulit na sabi nya at saka kumandong sa akin habang hawak nya ang mukha ko sa dalawang kamay at pinipilit akong tignan sya.
Hindi ako nakasagot dahil sakto namang bumukas ulit ang pinto at iniluwa niyon ang isang sexy na babae na habol habol ng PA ko.
"How dare you Franz! Pinagtataguan mo ba ako?" Ana said furiously
"Sir, sorry po. Mapilit po sya eh." Maiyak-iyak at may namumulang pisnging hinging paumanhin ng PA ko. Hindi nya siguro alam kung kanino sya dapat mas matakot.
"Shut up! Hindi mo ba nakitang kinakausap ko ang amo mo tapos sumasabat ka?" galit na baling sa PA ko ng kapapasok lang na babae.
"Stop that Ana. What do you want?" I asked irately
"What? You are going to talk to me with that slut on your lap? At napakabata naman nyan, ano? Cradle Snatcher ka na ngayon?" sunod-sunod nyang tanong, seriously, she's really irritating.
"And you slut? Wala ka bang balak tumayo dyan? Sarap na sarap kang umupo sa lap ng fiancé ko?" baling nya sa kapatid kong nakangisi lang at cool na cool na nanonood sa babaeng nagwawala. Habang ako ay nagpupuyos na sa galit sa itinawag nya sa kapatid ko. Hindi lang ako makatayo dahil nga nasa kandungan ko si Herschel.
"Shut it, Ana, This girl on my lap is much way decent than you are. And for the record, I am not your fiancé! Not even your boyfriend!" galit kong sabi.
I saw Herschel dialed someone on my phone.
"Hello, Security, magpadala kayo ng dalawang guards dito sa office ng CEO. Pronto." Seryoso yung pagkakasabi nya pero ang mukha nya ang may pilyang ngiti. Alam kong may naiisip na naman na kalokohan. Hindi ang bunsong kapatid ko ang tipo na mananahimik na lang basta basta.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...