Parehas kaming maagang nagising kahit na puyat kami kagabi. Naparami ata kami o ako lang ng inom. Hindi ko namalayan na nalasing na ako ng tuluyan. Mababa ang alcohol tolerance ko samantalang si Franz ay parang hindi man lang tinamaan sa nainom.
Alas nueve na ng umaga pero hindi pa ako lumalabas ng kwarto. Naiilang ako. Kanina ay naabutan nya akong sumusuka sa bathroom, kasabay noon ang pagkaalala ko sa mga sinabi ko sa kanya kagabi.
*Flashback*
"Sweetheart, can we have a truce?" He asked suddenly. The endearment is enough to bring back all the memories.
"Stop calling me sweetheart, will you?" sigaw ko. Natigilan ako bigla bago bumulong ng "Wow! Déjà vu."
"I'm sorry. Old habits die hard." Sagot nya.
"Really? Kaya pala dati, mabilis mo lang naiwala ang habit na iyan." Sarkastiko kong sabi, I may sound bitter pero wala na akong pakielam, Sinungaling sya! Isang sabi ko lang noon, tinigilan na nya! Yun ang natatandaan ko.
"If it's anger you, then let's change the topic."
"No, nasimulan na natin eh, tapusin na natin to." Matigas kong sabi. Maybe, I need to let this anger out.
"Ferline, kasi hindi magiging maayos yung trabaho natin kung lagi kang galit sa akin." Mahinahon nyang sabi. Aba't talaga namang dinahilan pa ang trabaho!
"Why? Am I not professional enough? Didn't I act accordingly most of the time?" Tanong ko. I am trying my very best pero kung kulang pa, dadagdagan ko.
"No. But you're cold. At hindi ako sanay." Tumawa ako. Yung pilit na tawa.
"What do you expect me to do? You want the old sweet Ferline that you used to know? Well, news flash! She doesn't exist anymore. She died years ago." Malamig kong sagot.
"At ikaw ang pumatay sa kanya." Wala sa sarili kong bulong habang nakapikit.
"I'm sorry. I didn't mean to hurt you." Mahina nyang sagot. Doon na sumabog yung kinikimkim kong galit.
"Sorry? You didn't mean to hurt me? F*ck that, Madrigal!" I hissed
"After all the hurtful words you said? Pagkatapos mong masamain yung pagpoprotekta ko sa'yo? Pagkatapos akong saktan, physically, verbally and emotionally ng babae mo, anong ginawa mo? Kinampihan mo sya at sinigaw-sigawan mo ako! Ako! Ako na wala namang ginawa kundi ang protektahan at mahalin ka! Ano? Ano bang napala ko? Wala! Hindi naman ako nanunumbat o nanghihingi ng kapalit sa mga ginawa ko para sa'yo eh, pero alam mo yung wala na ngang thank you, nakuha mo pa akong bastusin? At higit sa lahat, tinalikuran mo ako! Tinalikuran mo ako sa panahong kailangang kailangan kita!" Galit na galit kong sigaw. Ilang taon kong kinimkim yung galit ko. Hindi ko alam na mailalabas ko pa pala sya pagkatapos ng ilang taon. Wala talagang halong panunumbat iyon, kailangan ko lang sabihin para alam nya kung saan nanggagaling ang sama ng loob ko.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...