Happy New Year Everyone. 😉 Eto na yung ipinangako ko. Habol pa naman diba? Pagpasensyahan nyo na. Malapit ko na to matapos. 😂😂 Konting tiis na lang.
Salamat sa isang buong taong pagsuporta at pagtyatyaga! God bless us all. 😘😘😘
Happy Reading! 😉
Lorenafeb20 hi! Happy new year to you. Sensya na. Phone lang gamit ko. Di makapagdedicate ng maayos. 😂 Thank you for reading. 😉
****
“Anak, kamusta ang pakiramdam mo?” magaang tanong ni Mommy. Hindi ko alam kung may idea sila sa nangyari. Normal kasi ang pakikitungo nila sa akin.
“Mommy gusto ko na pong umuwi.” Naiiyak kong sagot. I don’t know if they understand what I am trying to say. Gusto ko ng umuwi sa amin, sa bahay ng parents ko kasama ang anak ko.
“Hija, under observation ka pa daw sabi ng doctor mo at ganoon din si baby.” Malumanay na sabi ni mommy habang sinusuklay ng kamay nya ang buhok ko.
“Grace, hayaan mong alagaan ng asawa nya ang anak mo. Ginusto nya yan kaya panindigan nya. Halika na, silipin natin ang apo ko at umuwi na tayo pagkatapos.” Matigas na sabi ni Dad.
Wala syang alam! Wala syang alam sa ginawa ni Franz kaya ganyan sya makapagreact!
Kung alam lang nya kung bakit napaaga ang panganganak ko. Baka sya pa mismo ang kumaladkad sa akin pauwi sa bahay namin!
Pagkalabas nila Mommy ay si Tita Tsina at Tito Franco naman ang pumasok. Hindi ako sanay na tawagin silang mom at dad at hindi na ata ako masasanay.
“Kamusta hija?” nag-aalalang tanong ni Tito Franco, si Tita Tsina naman ay kataka-takang tahimik at nakatingin lang.
“Ayos naman po ako Tito.” Magalang kong sagot.
Napalingon kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto. Halos bumalibag iyon.
“Ate Love! How are you? How are you feeling? Nasaan si Baby Hermes?” sunod-sunod na tanong nya. Hindi ko maiwasang mangiti sa kanya. She’s nineteen years old already yet she acts like twelve.
“I’m okay.” Namamaos kong sagot dahil sa pagpipigil ko ng luha. Kahit anong gawin nila, I could never hate their family. They are just adorable. And yes. Hermes ang ipapangalan namin sa baby ko.
Dahil sa kakulitan ni Chelo ay napapayag nya kami na isunod daw sa pangalan nya ang baby namin. Nagpapaawa pa nga sya dahil sya lang daw ang naiiba ang first letter ng pangalan. Lahat kami except for tita Tsina, nagsisimula sa F ang pangalan.
“Maiwan muna namin kayo, bibili lang kami ng makakain.” Paalam ni Tita Tsina. Iyon lang ang sinabi nya simula noong dumating sya.
Si Chelo naman ay naupo sa tabi ko sa mismong hospital bed at hinawakan ang kamay ko na walang swero.
“Ate love, sorry. I really am.” Nakuha ni Chelo ang buong atensyon ko dahil sa sinabi nya.
“Why are you saying sorry? May ginawa ka bang kasalanan?” I asked curiously. Kitang kita ko sa mukha nya ang guilt.
“Meron ate love.” Malambing nyang sagot. Yung tonong gamit nya ay yung tono ng ginagamit nya kapag may malaki syang kasalanan. Sinamahan pa nya ng pag pout para pigilan ang nangingilid nyang luha.
“Why are you here? Wala ka bang pasok? Asan si Cheska?” Sunod-sunod kong tanong. Malapit na kasi syang umiyak kaya iniiba ko ang usapan. It’s not like sa akin naman sya may kasalanan.
“May pasok ako ate, kaya lang tinawagan ako ni kuya na nanganak ka na daw so I ditch my other class. Kaya lang may exam kami sa ilan kong subject kaya nagpa sub ako kay Cheska. Sya muna ang pumasok sa class ko. Payag na ko kahit mababa score ko sa exam basta ipasa lang nya at makapunta ako dito.”
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...