I didn't see it coming. Ang plano ko talaga ay patagalin pa ang panliligaw ni Franz sa akin. Imagine? One month lang ay napasagot na nya ako? Napaka easy-to-get ko naman!
Nakakainis!! Tapos unang gabi pa lang namin na mag-on ay dito na ako matutulog sa bachelor's pad nya! Nakatulog kasi ako. Gustuhin ko mang magpahatid sa town house ko ay nakonsensya naman ako sa nakikita kong pagod sa mukha ni Franz.
Parehas kaming kulang sa tulog at sobrang haba pa ng drive nya kanina. Hindi naman sya nagpapalit sa akin mag drive kanina. Idagdag pa ang pagod sa pamamasyal.
Napag-usapan namin kanina na huwag munang sabihin sa family namin ang estado ng relasyon namin. Ako ang may gusto noon.
Nagalit pa nga sya at tinanong kung ikinakahiya ko ba sya pero noong ipinaliwanag ko na nahihiya ako at nabibilisan ako sa pangyayari ay naintindihan naman nya. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa sa magiging reaksyon ng pami-pamilya namin.
Hindi pa ako handa sa kung ano ang sasabihin at iisipin nila, napakabilis naman kasi. Baka magulat o mabigla sila.
Nagawan ko nga pala ng paraan na hindi kami tabi matulog ngayon. Nandito ako sa kwarto nya at nandoon naman sya sa sala natutulog. Sofa-bed naman pala kasi ang couch nya. Nag-offer din ako na ako na lang ang matutulog doon pero hindi sya pumayag.
Maganda naman ang pwesto nya kaya hindi na ako nagpumilit. Inilock ko din ang pinto ng kwarto na para bang akin ang silid na yon. Mahirap na at baka pasukin nya ako.
Hindi ko alam kung dala ba ito ng pagod o ano pero hindi pa din ako makatulog. Malamang si Franz ay mahimbing na ang tulog sa labas.
Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala. Paiko-ikot ako sa napakalaki nyang kama. Pinalitan pa nya ng bagong bed sheet iyon kanina.
***
Nagising ako dahil parang may gumagalaw sa paligid. Napapikit din ako agad noong masilaw sa liwanag.
"Breakfast in bed sweetheart!"
"What are you doing here? Paano ka nakapasok dito?" gulat kong tanong. Napabangon din ako bigla. Nawala na ang antok ko.
"This place is mine sweetheart. Anong klaseng tanong yan? Tulog ka pa ba?" natatawang tanong nya. Sinamaan ko sya ng tingin. Alam kong Pad nya ito pero sa pagkakatanda ko, inilock ko ang pinto ng kwarto bago matulog.
"I know. Pero inilock ko ang pinto ng kwarto kagabi."madiin kong sabi.
"Well, I have with me the keys of every doors and cabinets in here." Oh! Great! Haven't thought of that! Stupid me! Winagayway pa nya sa harap ko ang isang bungkos ng susi. Inirapan ko sya.
"Wala naman akong ginawa sa'yo ah? Tara na! Let's eat!" aya nya sa akin. Oo nga, wala naman syang ginawa! Wala PA!
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...