20 - Present Time

7.9K 146 1
                                    


We are on our way to Paete, sa may gawaan ng mga furnitures. Pahinto hinto kami kapag may nadadaanan kaming may mga display na nagugustuhan namin ang designs.


May mga nakuha na kaming iba pero may pupuntahan pa kami na talagang gumagawa ng personalized designs ng furnitures. May ibinigay na address yung painter namin.


"Sweetheart, snacks muna tayo." Aya nya sa akin, may natatanaw na akong kainan, kaya siguro sya nag-aaya. Tumango lang ako.


"Coffee na lang sa kin." Sabi ko noong makaupo kami.


"Anong coffee? Yun nga lang din ang ininom mo kaninang breakfast saka crackers eh. Eat something heavy, kaya ang payat mo e."


"Manang dalawang coffee po saka dalawang tapsilog." Baling nya sa matandang tauhan ng kainan na lumapit sa amin.


"Early lunch na ba ito? Snacks tapos kanin?" pang-asar kong tanong.


"Tapa, Sinangag, Itlog at kape, more like, breakfast sweetheart." Ganting asar nya.


"Fine. Late na tayo maglunch ha!"naiinis kong sabi.


"Lahat ba talaga ng babae on diet? What's with the food and girls really? Mortal enemy ba?" dugtong pa nya sa pang-aasar.


"No. I'm not. Madami naman akong kumain ah?" I said defensively. Ngayon lang naman ako hindi sana kakain ng madami dahil tinatamad ako.


"Kaya pala kape lang ang gusto mo?"


"Tinatamad kasi akong kumain!" napipilitan kong amin. May ganung moment naman ang isang tao diba?


"Sweetheart.. Masamang kinakatamaran ang pagkain. Paano kung ang pagkain naman ang tamarin sa'yo?" Saway nya sa kin.


"Kakain na nga diba? Nag-order ka na e." I said guiltily. Tama naman sya. Hindi dapat kinatatamaran ang blessings at baka pag ang blessings ang tinamad sa kin ay nga-nga ako.


'Good. Let's eat o gusto mo subuan pa kita?" sabi nya saktong inilalapag ang pagkain namin.


"Kakain ako mag-isa okay? OA na Madrigal ha." Natatawa kong sabi. We silently pray to thank God for the food. Routine na namin ito lagi bago kumain since we were kids.


"Okay. Eat up." Sagot nya at saka nagsimula ng kumain.


"Ang sarap! Order pa tayo!" sabi nya noong patapos na kaming kumain. Tumango naman ako dahil nasarapan din ako at parang hindi pa busog.


"I'm full! Ikaw?" sabi nya noong nasa kotse na ulit kami at nagdadrive na sya habang hinihimas pa ang tyan nya.


"Me too. Parang nakakaantok." Natatawa kong sabi.


"Sweetheart.. Look over there!" may itinuturo sya sa kin kaya nilingon ko sya. Naaliw kasi ako sa pagtingin sa view ang ganda.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon