30 - Present Time

6.4K 114 0
                                    


"Clyde, stop pestering me, Will you?" I said, a bit irritated.


He's been texting and calling me for God knows how many times now. Sinagot ko na ang tawag dahil sobrang nakukulitan na ako. Nadidismaya din ako dahil akala ko ay si Franz ang nagtetext at tumatawag tapos pag tinignan ko ay sya lang pala!


Nakakabwisit naman talaga yung ganun diba? Yung may hinihintay kang text o tawag, tapos pag tumunog ang cellphone mo ay maeexcite kang tignan ito para lang madismaya pag nalaman mong iba pala iyon?


"Kung pumayag ka na sa invitation ko, e di sana hindi ka nakukulitan ngayon?" nakakalokong sagot nya. Ni hindi man lang tinablan sa pagsusungit ko. Bwisit! Marunong talaga syang magtagalog dahil nag-i-stay naman sya sa bansa paminsan-minsan kahit na naka-base ang business nila sa Singapore.


"Hindi ako nakukulitan, napepestehan ako sa'yo!" pagtataray ko pa. Bwisit na to! Ni hindi ko nga alam kung kanino nya nakuha ang number ko at ayoko na ding alamin dahil baka kung ano pang masabi ko sa nagbigay na yun!


"Clyde is one of the best Engineer of his generation. Nakilala ko sya noong nasa Singapore pa ako and now, he's based here in the Philippines.


"Snob. I like that. Nakaka-challenge lalo."


"Who cares?" pabalang kong sagot. He's asking for a date by the way. Wala akong pakielam kung sa gusto o ayaw nya basta ayoko syang makita!


"You'll soon care, babe. Very soon."


"That's not gonna happen, asshole!" gigil kong sagot sa kanya. Alam naman nyang may boyfriend na ako, fiance pa nga ang pakilala sa kanya! Hindi ko na sya hinintay sumagot, agad ko ng pinatay ang tawag, gusto ko din batukan ang sarili ko sa ginawang pagsagot sa tawag nya.


Naisip kong mag-download ng App sa phone ko. Application kung saan pwedeng magblock ng incoming messages and calls. Noong matapos ang download ay agad kong nilagay ang number nya sa blocklist.


Napapangiting bumalik na ako sa ginagawa pero hindi nagtagal ay nagring ulit ang phone ko. Agad akong napakunit-noo pero agad ding nawala noong Makita ko kung sino ang caller.


"Hello laloves." Excited kong sagot. Kanina ko pa kasi hinihintay ang tawag nya.


"Busy ka ba? Kanina ko pa kasi hindi macontact ang phone mo." Bakas ang inis sa tono ng salita nya. Napakagat labi ako. Sasabihin ko ba?


'Open communication Ferline!' parang nagreplay sa utak ko ang sinabi ni Franz noong unang nag-away kami ng matindi. Fine! Sasabihin ko na.


"Hindi naman. May makulit lang na tawag ng tawag." Napapikit ako ng madiin.


"And who the hell is that?" He asked angrily.


"Uhm.." nag-aalangan akong sabihin sa kanya, lalo syang magagalit e


My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon