8 - Present time (Her)

10.5K 210 3
                                    



Naiinis ako sa demand ng bagong client namin. Napakayabang talaga. Kinailangan ko pang bumiyahe mula Mindoro hanggang Manila para lang sa kanya? Urghh! Nakakainis!


And I want to pull my own hair for not asking my boss who the client is. Sh*t! It's him! He looks so dashing in his three-piece suit. After four long years, I didn't expect to see him today. Not today at least. Pero nandito na sya sa harapan ko kaya wala na akong magagawa kundi ang harapin sya.


I need to put up with his kayabangan. Nakapirma na ako ng kontrata kaya wala na akong choice kundi ang maging professional.


The way he talks casually as if nothing bad really happened four years ago beats me. Masyado syang feeling close. Well, close naman kami, but that was before. Umaarte sya na para bang wala syang atraso sa akin. Madami ng nangyari, matagal na kaming hindi nagkikita, at sa pagkakaalala ko sa huli naming pagkikita ay napagkasunduan naming na kalimutan na ang isa't-isa kaya hindi ko maintindihan ang mga artehan nya ngayon.


Nagdadalawang-isip tuloy ako kung tutuloy ako sa dinner date namin nila Tita Tsina. Knowing him, magpupumilit sumama yon, at hindi din ako sure kung matitiis ni Tita ang paborito nyang anak na maiwan. Pero kung hindi naman ako tutuloy, ay paniguradong lalaki ang tampo sa akin ni Tita, napakawalang utang na loob ko naman kung paaasahin ko lang sila e siya nga ang tumulong sa akin nung panahong kailangan ko ng masasandalan, sya din ang tumayo kong magulang noong mga panahong yun. Talagang anak ang turing nya sa akin.


I've decided to come to that dinner and thank God, I did! Walang Franz silang kasama. I don't know how they managed to exclude Franz and I am really thankful but there's still a pinch of disappointment.


Masaya ang dinner, pati ang dalawang kambal ay nandoon. Na missed ko silang lahat. They are, no doubt, part of my life. Halos buong buhay ko naman ay kasama ko na sila. Pangalawang pamilya. Sila ang naging pamilya ko noong magpasya sila Mom and Dad na mag migrate sa US at nagpaiwan ako.


Nakokonsensya din ako sa ginawa kong paglayo sa kanila dati. Hindi ko sila dapat dinamay, wala silang kasalanan, sila yung mga taong walang ginawa kundi ang suportahan, ipagtanggol at protektahan ako sa lahat ng paraan na alam nila pero anong magagawa ko? Ang alam ko lang ay sobrang nasasaktan ako nung mga panahon na yon, hindi na ako nakapag-isip ng tama. Hindi ko na naisip ang mga tao sa paligid ko, naka focus ako sa kung paano mawawala ang sakit at galit na nararamdaman ko kaya kinailangan kong lumayo.


Sobrang saya lang ng dinner, ang ingay namin ay kumukuha ng atensyon ng ibang kumakain pero ayaw magpasaway ng kambal kaya sa huli ay nakisama na kami sa pag-iingay nila. Sobrang dami nilang kwento.


Mas lalo akong nakonsensya noong ihinatid na nila ako sa bahay namin, ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng yakap ng bawat isa sa kanila. Ramdam ko kung gaano nila ako kamahal, kung gaano nila ako na missed. Pinaramdam nila sa akin kung ano ang nawala sa akin nung pinili kong talikuran at kalimutan sila. Sobrang nakakapanghinayang at nakakakonsensya na tinalikuran ko sila. At para akong sinuntok ng malakas sa dibdib noong nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nila Tita Tsina at nung kambal. I feel so sorry for hurting them. Alam kong nasasaktan din sila sa nangyayari kay Franz noon pero imbes na magdamayan ay iniwan ko sila.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon