50 - Present Time

6K 170 11
                                    

Grabe. Namalayan ko na lang na December na. Hahaha. Anyway, pagtyagaan nyo na ang puchu puchu kong update. Pasensya na sa matagal na paghihintay. Konting kembot na lang. Tatapusin ko din ito. Next year. Hahaha. Peace! Happy Reading. Pasensya na sa typo error. Busy din daw po ang proof reader ko.


***

"What is it this time Shane?" tanong ko sa kapapasok lang sa opisina ko. Ni hindi pa nga sya nakakaupo sa visitor's chair.


"Chill, my man. I am just here to remind you of the land title that I need. Ikaw itong nagmamadali na magawa ang bahay nyo tapos ikaw din ang cause of delay. Ano ba naman yan." Mahabang litanya nya na halata namang nang-aasar lang.


Gusto ko sana ay pagkapanganak ni Ferline ay makalipat na kami ng bahay kaso malayong mangyari iyon dahil hindi naman basta basta ang gusto kong ipagawang bahay para sa mag-ina ko.


Naisip ko na lang na i-surprise sya sa aming first year wedding anniversary. At syempre, paunti-unti ko syang tinatanong sa details at design na gusto nya para sa bahay namin.


"Oh, shoot. I forgot. Balikan mo na lang before five. Hahanapin ko pa e. Nandito naman na sa office yung mga land titles."


"Okay. Copy that. I'd better go. Busy din ako, hindi lang halata." Natatawang sabi nya.


"G*go! Saan ka busy? Sa mga babae mo?" natatawa kong tanong.


"Mind your own business dude. You have a hella weeks ahead before your f*cking paternity leave. Tss. Gay." Balik asar nya na ikinatawa ko lang. Hindi naman ako naasar dahil excited na akong mag leave. Medyo madami nga lang akong dapat ayusin para hindi mahirapan ang maiiwan ko. Kailangan tapusin ang dapat tapusin.


Before lunch ay malinis na ang desk ko. Parating ang asawa ko at sabay daw kaming maglunch. Habang naghihintay ay naalala ko ang land title na hinihingi ni Shane. Kinuha ko ang isang clear case folder sa drawer at saka isa-isang nilatag sa desk. Ngayon ko na hahanapin habang naghihintay ako sa asawa ko.


I was busy scanning the titles when someone barge in my office. Akala ko ay ang asawa ko na pero ang anak pala ni Mr. Lao ang nasa harapan ko.


"What do you want? I already made it clear to you and your father that you should coordinate with my PA if it's with regards to your father's investment. You may leave my office now." Inis kong pagtataboy. Alam kong wala ang PA ko sa labas dahil nagpaalam ito sa akin na bibili ng lunch nya sandali pero hindi pa din sya dapat basta basta pumapasok sa opisina ko. Yumuko na ako as a sign of my dismissal. I focused on the documents in front of me.


"Alam ba nya na pinakasalan mo lang sya dahil sa mana mo? Dahil binantaan ka ng magulang mo na aalisan ka ng mana kapag lumabas na bastardo ang anak mo?" mapanuyang tanong nya. I know what she's talking about.


It's Herschel's fault. Noong nalaman nilang buntis si Ferline at hindi kami okay ay sobra syang nagalit sa akin. Lahat na ng pananakot ay ginawa nya. She even threatens me about our inheritance.


Na sasabihin daw nya kila Mom at Dad na tanggalan ako ng mana which is very impossible since half of our properties were under my name already. Though Costa Tsina was now under Herschel's name since iyon talaga ang inuungot nya kay Mommy at Daddy. Kahit iyon na lang daw ang ipamana sa kanya ay okay lang.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon