24 - Present Time

7.2K 167 2
                                    

Lee's Note: Dito sa taas naman para maiba naman! Hahaha Guys sa gustong magpadedicate ha! Wag na mahiya! Feel free to Comment, PM or write on my message board! Thank you for reading and enjoy! xoxo


**


Okay na kami ni Franz, naexplain na nya ang totoong nangyari, sinabi din nya sa akin na baka may balak na namang gawing hindi maganda ang babaeng yun. Anak pala ng client nila yung baliw na yun. Isa sa mga nahuhumaling ng husto sa boyfriend ko.

Kung bakit naman kasi kailangang gwapo na nga sya, malakas pa ang appeal. Nakakainis! Sana gwapo na lang sya. Iba pa din kasi ang sex appeal, yung iba nga dyan kahit hindi gwapo ay habulin, bakit? Dahil malakas ang dating, malakas ang sex appeal.


Naniwala ako kay Franz hindi dahil uto-uto ako. Naniniwala ako sa kanya dahil alam kong nagsasabi sya ng totoo. Kilala ko si Franz, alam ko kung kailan sya nagsasabi ng totoo at king kailan hindi. May mannerism din sya simula bata na pag nagsisinungaling sya ay napapahawak sya sa kaliwang tenga nya unconsciously. Doon sya lagi nahuhuli ni Tita Tsina sa kalokohan nya dahil hindi nya talaga napipigilang haplusin ang tenga nya pag nagsisinungaling.


Ayoko sanang umuwi kami dahil wala pa akong nagagawa simula noong makabalik kami dito at may ilan pang kailangan akong idesign at gusto kong masolo sya sa araw ng monthsary namin which is bukas na pero mapilit si Franz.


Tinulungan pa akong mag-ayos ng gamit na dadalin pauwi sa Manila. Baka may importante syang aayusin sa office kaya nagmamadali.


"Sa cabin na tayo kumain ha. Mag take out na lang tayo." Sabi nya. Tumango naman ako. Baka kasi hindi kami umabot sa oras ng alis ng barko sa Pier.


Habang kumakain ay binuksan ulit ni Franz ang topic tungkol sa nangyari sa office nya.


"Sweetheart, basta tandaan mo ha, I want an open communication between us. Pag galit ka, sabihin mo at yung rason kung bakit ka galit para maayos natin, ganun din ako sa'yo. Pag nakita mong may kasama akong iba o sa tingin mo may nilalandi akong iba, confront me right away."


"Pwede din ba kitang sampalin pag nakita kong may nilalandi kang iba?" taas kilay kong tanong. "Parang may balak kang lumandi e!" dagdag ko pa.


"Wala ah! Baka may lumandi sa akin tapos maisip mo that I am flirting back, sabihin mo para aware ako. Sabihin mo din kung ayaw mo sa ginagawa ko para alam ko kung san nanggagaling ang inis o galit mo." Paliwanag nya.


"Siguraduhin mo lang yang sinasabi mo ha ah." Sinamaan ko pa sya ng tingin kunwari.


"Opo! Ikaw lang naman ang gusto kong landiin eh!" he said with a wink. Flirt!


Inaya nya akong magpahangin sa upper deck pero tumanggi ako dahil balak kong ayusin yung mga designs ko kaya sinamahan na lang nya ako sa cabin. Sinamahan din nya ng kalandian. Hinahalikan ako sa kung saan-saang parte ng mukha, pati sa batok, leeg at balikat kaya hindi din ako makapag concentrate sa ginagawa.


I don't want to be hypocrite kaya inaamin ko na din na gusto ko ang ginagawa nya. I missed him. Akala ko hindi na kami magkakaayos. Akala ko ay sa hiwalayan na kami. Iniiwasan ko syang kausapin to delay the break up sana na hindi naman nangyari. Thank God!

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon