BiLY.TAP [12]

6.2K 82 14
                                    

<----VOTES!! and please... comment naman dyan! haha salamat ng BIG TIME!

Chapter 12:

“masaya ka ba sa ginagawa mo?” tanong ko lang. kasi super busy niya. parang wala na siya 

“huh?” para naman siyang nagulat. May iniisip siguro ‘tong malalim.baka pagod na talaga siya.

“wala... ano...baba mo nalang ako diyan sa tabi... at umuwi ka na.” sabi ko.

Tumingin naman siya sa akin sandali na parang nagtataka. At sabay tingin ulit sa daan.

“ano ka ba? nahiya ka pa. wala ka naman nun.”

“sinong nagsabing nahihiya ako. sadyang naaawa lang ako.” sabi ko.

Kinalkal ko naman yung wallet ko sa bag ko. Style ko kasi, kumukuha na ako ng barya ng sakto pamasahe sa wallet ko, tapos yung wallet ko nilalagay ko sa bag ko. As in tago yun para hindi madukutan.

“tss.” sabi niya

“tss ka diyan!” sabi ko.

“natutunan ko lang sayo yan.” Sabi niya at nag smirk

“anong sakin. di naman ako nag gaganyan.” Sabi ko.

“lokohin mo pako”

“baba mo na kasi ako.you look tired!” sabi ko.

“aus lang. on the way naman sa inyo yung condo ko.” Sabi niya.

“teka? Alam mo bahay namin?”

“natural.nagpadala nga ako ng phone di ba?” sabi niya.

“ayy oo nga pala.” Tss. ang ulyanin ko!

At dahil medyo malayo pa... at nakaka antok...

“♫Porque contigo yo ya iskuji. Aura mi corazon ta supri. Bien simple lang iyo ta pidi. Era cinti tu el cosa yo ya cinti. Ta pidi milagro, vira’l tiempo. El mali hace derecho. Na dimio reso ta pidi yo. Era olvidas yo contigo...”

“marunong kang... mag espanyol?” tanong niya.

“ako? hindi... narinig ko lang yan sa radio. Ganda kasi e.”

“grabe. Ang ano pala ng boses mo...”

“ang ano?” tanong ko.sabi ni mamang maganda boses ko. Sabi rin nila shane at cessy. Pero, hindi ako singer. Haha. At hindi pa ko nag alay ng kanta kahit kanino. Dahil ayokong kumanta. Feeling ko kasi namana ko ‘to. At ayaw kong ipakita sa iba. Dahil naiinis ako sa kung sino man ang may magandang boses sa pamilya namin.

Because I Love You.that's all period!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon