BiLY.TAP [44]

6.4K 134 56
                                    

Hinatid naman ako ni wyz.

CHAPTER 44: 


“nag enjoy kaba?” he ask.

“oo naman!” at pilit kong ngumiti.

“syempre! Kasama mo ako e!” yabang talaga!

“oo na! sige na! umuwi ka na! matulog ka na...” yun lang ang nasabi ko.

“oo nga pala. Walang kasama si mommy sa noche buena.” Sabi niya.

“babye!”

Mukha siyang windang. Alam niyo yung nagtatakang nagulat?!  “pinapaalis mo na ako? siguro may lalaki ka diyan noh?! SIGURO PINAGPALIT MO NAKO AGAD NOH?!” sana nga wyz. Sana ganun ka kadaling palitan. Para ngayon palang... move on nako.

“che! Andami mong alam! Sige na! advance merry christmas!” at may kinuha ako sa pouch ko. Isang pahabang box. Muntikan ko pang makalimutan ibigay ang gift ko sa kanya.

“thanks.” Sabi naman niya at pumunta sa compartnment ng car niya. at kinuha ang isang box na hindi naman ganun kalaki.

“ano to?” tanong ko.

“mamaya mo na buksan. Mamayang  12 siguro?” at tumawa pa siya.

“BALIW!” hinampas ko pa siya ng mahina sa balikat pero nasalo niya at... hinalikasn niya ang kamay ko.

“una na ako. know what babe... i hate to say good night kung hindi kita katabing matulog.”

Nanlaki ang mata ko!

“don’t worry. I know that’s one of your dream. Tutuparin natin yan.” Napangiti naman ak osa sinabi niya.

“ang kapal mo talaga!” pero sana... matupad.

He kissed me on my forehead. “ i love you.”  Then down to my lips... “i really do...” tumitig siya sa mga mata ko. “merry christmas.” Niyakap niya ako. “goodnight...”

Tumango tango lang ako. i can’t say anything. As i’ve said. I don’t know what to say.

Umalis na siya at ako naman... nakatayo sa labas ng bahay namin habang pinapanuod siya papalayo sa akin. At nang di ko na makita ang car niya, pumasok na ako. dapat masaya ka fina! Dapat nakangiti ka! May tiwala ka kay wyz di ba? alam mong magiging kayo pa rin!

“fina? Anak? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ni mamang, naaawa naman ako kay mamang, mag isa lang siya dito kanina habng nagpiprepare ng lulutuin.

Niyakap ko naman siya at... doon ko na binuhos ang lahat. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya.

“anong nangyari? Inapi ka ba nila doon?! Huh? inaway ka ba nila?!” umiling naman ako. hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nakahiga ako ngayon sa lap ni mamang. Nasa sofa kami. At siya naman, panay ang ayos at haplos niya sa buhok ko. Namiss ko to.

“tell me anak. What happened?”

“mamang... mahal ko na ata talaga si wyz. Ayokong mawala siya sa akin.”

“sa nakikita ko naman, mahal ka rin niya... walang dahilan para maghiwalay kayo...”

“hindi yun...” at yun nanaman ang luha sa mga mata ko. “mamang mahal ko kayo. Kaya ni minsan hindi ko na feel na wala akong alam sa family background ko. Na kahit di ko na makilala ang parents ko ok lang... pero ngayon...”

Because I Love You.that's all period!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon