**ZEFina’s POV**
Kakatapos lang namin magdinner ng magyaya ang mga kabatch namin ng bonfire party sa seaside. Nung una ayaw ko kasi wala ako sa mood tapos sinabi pa lahat pupunta kaya baka makita ko nanaman silang sweet na magkasama pero pinilit pa rin ako nila cessy. Walang kwentang friends. Kaya eto ako ngayon, kasama nilang nagpaparty.
Nakaupo lang ako sa may buhangin tapos tinititigan ang bonfire. Ganun kaalab ang pag ibig ko kay wyz. LOL! Pero ang masama hindi niya kayang suklian yun.
TT___TT naalala ko tuloy yung sabi ni bob ong. Na sana ang pag ibig ay parang bayad sa jeep. Gaano kalaki ang ibayad mo sa driver susuklian ka pa rin niya kahit papaano. Wyz! Sana driver ka na lang ng jeep.
“HOY~!”
Nagulat naman ako. tumingin ako sa taas. Eh? Si brentix nanaman. Ang kulit ng lalaking to. Kanina niya pa ako inaasar.
Umupo naman siya sa tabi ko.
“ano? Still waiting?” tanong niya.
-_- tumango naman ako sabay tapon ng buhangin sa nag aalab na apoy. Nakakainis kasi. Para akong martyr na tanga!
“don’t forget fina, that’s the spirit!” cheer mo pako sige. “pero kung di mo na kayang lumaban, pedeng sumuko ka na lang.” ugh!! Kanina niya pa talaga ako sinasabihan niyan mga readers! Suntukin ko to e.
“ako si zefina mendoza brentix! Tandaan mo to, ang isang zefina mendoza ay hindi sumusuko. Kuha mo?”
Tumango naman siya na parang gulat. Lakas lakas talaga ng determinasyon ko. ^_^
Nagsidatingan naman yung iba. Like aira, jessa and O_O teka. Asan siya? Akala ko bang lahat nandito?i sigh! Nu ka ba fina, malay mo nag c.r. lang at papunta na siya di ba?
Hmp! Kung ako ang gelpren nun, hinding hindi ko hahayaan na mag isa siya.LOL! sasamahan ko siya mag c.r. baka kasi sulutin nalang basta basta sakin. kung pwede nga pati sa loob ng c.r. samahan ko siya e. LOL! para naman obses na possessive nako nun.
Nagstart naman ang party na sinasabi. Ewan ko kung anong klaseng party to. -__- mga CBA paman din tong mga to. Ibig sabihin boring dahil puro books at kung ano pang school supplies ang inaatupag nila.
Umupo na rin sila sa buhangin. We form a circle at nasa paligid kami ng bonfire. Gets?
“nasaan si wyz?” ang tanong ni cessy.
“ewan nga e.kanina ko pa siya hinahanap at kinocontact pero hanggang ngayon wala pa rin.” Sabi ni aira.
May nagtaas naman ng kamay. Aba’t! di naman to classroom a? “ako! ako! nakita ko siya kanina.” Sigaw ni raymark. Yung laging kasama ni wyz.
“saan?” tanong nila.
Ako nakikinig lang.pasimple kasi akong curious! Sila kasi obvious.
“kanina nakita ko siya sa may batuhan. Kanina pa siya nakaupo at nakatingala sa langit. Ewan ko nga doon. Parang tanga na at nababaliw.”
LOL! Tanga naman talaga yun ah! Tumayo naman bigla si aira. Pero inupo siya ni jessa sabay sabing.
“ikaw talaga aira, masyado kang nag aalala kay wyz. Hayaan na natin na si raymark ang tumawag kay wyz.”
“oo nga naman aira.baka mapagod ka pa.” sabi ni raymark at umalis na siya.
At eto kami ngayon, habang hinihintay si wyz. Kami ay TULALA! LOL. Joke lang. siguro for 10 mins nakikipag asaran ako kay brentix. At kita ko naman na asar na asar si jessa tapos tiningnan ko si aira kung may bahid ng selos sa mata, pero.. nakayuko lang siya at hawak niya yung phone niya. bakit kaya?
BINABASA MO ANG
Because I Love You.that's all period!
RomantikBecause I love you, that's all Period! it's about the cool and charismatic girl who secretly inlove with the class president/ USC Chairman/ assitance of Guidance Office/ son of the famous owner of Zigman Corporation. and she prefered to call him Mr...