continuation...
“ayos lang yan fina. Siguro hindi lang talaga kayo ang para sa isa’t isa”
Tss.di naman sa nagdadrama ako sa harap nila or what. Sadyang tahimik lang ako pag nasasaktan. L*tcheng puso naman kasi na ‘to. Bakit kay wyz pa na inlove? Kanina pako tinititigan ng dalawa na parang naaawa na sakin. sino bang di maawa sakin? pati naman mga readers naaawa na e. ngayon na paman din ako magtatapat T^T tapos purnada pa.
‘
“wag ka ng umiyak. I aannounce na niyan ang winner...” sabi ni shane.
“ewan ko sayo shane, di naman ako umiiyak e.” sabi ko. Tiningnan ko pa siya ng masama.
“ay hindi ba? sorry.hehe” tss.baliw talaga ‘to!
Umakyat naman yung emcee sa stage. tsk.alam ko na kung sino panalo. Kami syempre! Napastanding ovation ba naman mga audience.
“pero alam mo fina... sayang kayong dalawa.” Napatingin naman ako kay cessy. “kitang kita naman na may pagtingin kayo sa isa’t-isa... sadyang epal lang talaga si jessa at aira.”
“oo nga, at kung hindi ka agad bumaba sa stage kanina... tsk.tsk. malamang ayos na kayo ngayon, tinatry ka pa kasing habulin kanina ni wyz e”
Ows? Talaga? Bakit nman niya ako hahabulin?
“tama na nga yan. Pinapaasa niyo pa si fina...”
Napatingin naman kami sa lalaking nagsalita.
“bryan?” oh? “long time no see!” sabi ko.
“wala e.masyado akong pinapahirapan sa panliligaw ni shane!”
O_O ->> kaming dalawa ni cessy.
“NANLILIGAW KA NA KAY SHANE?” sigaw namin ni cessy.
“di niyo alam?tsk.mga walang kwentang friends.” ABA’T!!
“and now, we finally found the BEST CBA SINGER!” palakpakan naman at hiyawan ang mga tao sa paligid.
Yiee.ang corny ng emcee.tsk.baduy baduy ng title. At dahil nababaduyan din ako sa pananamit ng emcee, tumingin muna ako sa paligid. Wala lang. masamang tumingin tingin at hanapin siya. Naman fina, heart broken ka na nga gumaganyan ka pa.
Kasi naman... gusto ko siyang makausap, kahit sandali lang. ang dami paman din lalaki sa paligid, pero kahit ganon ang mangyari, aangat ang adonis! Nakita ko na siya. Nasa kabilang table sa pinakadulo. Mag isang nakaupo at nanunuod lang sa stage. ngingiti ngiti pa siya. Baliw!
Ano naman kayang nginingiti nito?
“fina!”
Nakita ko naman siyang tumingin sa paligid at ang wide ng ngiti niya talaga. Bakit ganun? Parang slow motion ang lahat ng nakikita ko pag nakafocus lang ang paningin ko sa kanya? Bakit parang nauubusan ako ng oxygen sa katawan at parang hindi na ako makahinga.?
*poke*
*poke*
“FINA!”
Bigla naman siyang tumayo at parang may hinahanap siya. Kalaunan tumingin siya sa gawi ko, at ako naman tong nahiya ay agad umiwas ng tingin. Wahh T^T nakita niya kaya akong nakatingin sa kanya? I mean nahuli na ba ako? kinabahan naman ako bigla.
Feeling ko talaga nag bablush ako sa sobrang hiya – –!
ARAY!!!
“HOY FINA!!”
Anak pinggan naman oh! Ang sakit nun ah. May humampas ba naman na pouch sa braso ko, take note. May metals metals tsaka parang dyamante yung pouch kaya masakit T^T
BINABASA MO ANG
Because I Love You.that's all period!
RomanceBecause I love you, that's all Period! it's about the cool and charismatic girl who secretly inlove with the class president/ USC Chairman/ assitance of Guidance Office/ son of the famous owner of Zigman Corporation. and she prefered to call him Mr...