BiLY.TAP [35] another continuation

6.1K 93 24
                                    

 Chapter 35 another continuation...

Pagkatapos kong kumanta,pinalakpakan pa nila ako and again, standing ovation nanaman. Ehem. Ganda talaga ng boses ko tapos maganda pa ako.. Anyway, nakaupo na ako sa table namin.  At tumitingin sa paligid. Disco na kasi. I mean tapos na yung program so yun, disco na. as in nagsasayawan na daw sila. Galing galing nga kasi yung gym parang disco talaga.

Pero paki ko sa gym, hinahanap ko kasi siya. Nawala siya sa paningin ko. Kaninang pagkatapos kong kumanta agad siyang bumaba ng stage and i don’t know why.

“tara sayaw tayo!” yaya sakin ni shane.

“maya-maya nalang.” Sabi ko.

“ok!” tapos pumunta na siya sa dancefloor.

Tumingin naman ako sa right side ko. Nakita ko si cessy na nagtetext at ngiti ng ngiti. Sino naman katext nito?

“hoy! Sino katext mo?” tanong ko.

Tiningnan naman niya ako tapos nakangiti pa.ampangit mo cessy! LOL! Joke lang.

“si First Kiss ko. Yiie. Kinikilig ako fina. Baka siya na maging first bf ko. Hahaha” eh?

*****

“san ka pupunta?” tanong nila shane at cessy na nakaupo sa place namin.

“hahanapin ko lang siya.” Sabi ko.

“pano pag di mo siya mahanap?” tanong ni cessy.

Nagkibit balikat lang ako which is anusual. Dahil kadalasan kasi may sagot ako sa tanong nila. Ganun ako katalino! Pero bakit ang bobo ko ngayon? Ugh.

Tumayo naman ako at nagsimulang mag lakad. Hanap dito, hanap diyan. May mga nakakasalubong na nga akong cute guys na niyayaya akong sumayaw pero tinanggihan ko. Kitang may hinahanap pa ako e.

And then, nang makarating ako sa dulo ng gym. Which is pinakadulo talaga! At nakakainis dahil sa kabilang dako pa ako ng gym galing, nakita ko na siya. Mag isa lang siyang nakaupo tapos pinapanuod ang nasa paligid na sumasayaw. Ang serious ng mukha niya. nang una ko siyang makita napakasungit niya pero may kakulitan din pala siya sa loob.

Pinuntahan ko siya agad at pumunta ako sa likod niya. then tinakpan ko yung mata niya. alam niyo yun? LOL! Kukulitin ko siya, hanggat wala ang nagmamay ari sa kanya. Kasi, baka pag dumating na siya alam kong hindi ko na siya malalapitan at makukulit ng ganito. At baka masaktan lang ako.

Pero... akala ko masasaktan lang ako pag nandyan si aira. Hindi pala...

“aira?”

Dahil sa puso ni wyz. Laging nandon si Aira. bakit ko ba yun nakalimutan?? Sa sobrang sakit ng naramdaman ko, inalis ko na agad yung ung kamay ko. Bakit ganito? Para naman akong nareject? Tumingin naman si wyz sakin. tanga tanga kasi nito ! Bakit? Si aira lang ba ang gagawa ng ganun sa kanya?

“zef? Oh? Andyan ka pala?” tanong niya. then ngumiti siya.

Bakit ganun? Naiinis ako sa yo wyz pero nginitian mo lang ako. yan tuloy. Nawala galit ko sayo!

Umupo naman ako sa tabi niya.

“bakit nandito ka pa? halata naman di ka nag eenjoy.” Sabi ko.

“ah kasi... nagtext si aira, hahabol daw siya.”

Aira nanaman. -_-

“ahmm.” Ugh! Ano pa nga bang pwedeng gawin? Yayain ko kaya siyang sumayaw? Pero... nahihiya ako e.

Kaya yun, umupo nalang ako sa tabi niya at pinapakiramdaman ko siya. Alam niyo yung feeling na kasama ko yung taong gusto ko, yung nasa tabi ko lang siya... pero sa iba naman siya nakatingin. Ouch!

Because I Love You.that's all period!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon