1st Chapter

16.9K 461 25
                                    

Light's POV

Nakatayo ako sa isang lugar na umuulan ng snow. I don't even know this place and I have no idea where I am right now.

But it's weird, hindi man lang ako nakaramdam ng panlalamig. I'm wearing my boxer shorts at sando. Wala din akong suot na tsinelas.

Nasaan nga ba ako?

Nagsimula akong maglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala naman akong nakikitang kahit ano dito, maliban sa mga puno.

Tumigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng babaeng nakatayo pero nakatalikod siya sa'kin. Nakasuot siya ng puti't mahabang damit. Tinatangay ng hangin ang mahaba't kulot na buhok na kulay puti hanggang sa pwet niya ang haba nito.

Nagtaka ako nang makita ko siya. Nakatingala lang siya sa itaas na parang may tinatanaw. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Gusto mo ba ang snow?" tumigil ako sa paghakbang nang magsalita siya.

I tried to answer her question but the moment I opened my mouth, walang salita ang lumabas mula dun. I can't speak. I can't utter a word at all.

"Shirayuki..." she said.

Shirayuki? What's that? It's a japanese word.

Then suddenly my head began to ache. Napaupo ako habang sapo ang ulo ko sa sobrang sakit. What's going on?

Hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa lupa na nababalutan ng yelo. Narinig ko ang mga yapak na papalapit sa pwesto ko. Sinubukan kong tumingala at nakita ko 'yung babae. Nakaupo siya sa harapan ko at hinawakan niya ang buhok ko.

"Pagod ka siguro. Kailangan mo munang magpahinga." sabi niya. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil unti-unting nanlalabo ang paningin ko.

Dahan-dahang inilapit ng babae ang mukha niya sa mukha ko.

Dahan-dahan...

Malapit na...

Hanggang sa...

*BOOOGSH!!

"Shit!" naramdaman ng katawan ko ang lamig na nagmumula sa sahig. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ng kakambal ko.

"Mabuti naman at gising ka na." sabi niya habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa beywang niya.

"Tch." bumangon ako habang sapo ang ulo ko. Damn it! Malapit ko na sana makita ang mukha ng babaeng 'yun sa panaginip ko kung hindi lang umepal 'tong kakambal ko.

Halos gabi-gabi 'yun na lang ang lagi kong napapaniginipan. A place where snow is raining, a girl wearing a white dress with a white curly hair. Hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

*TOINK!

"Damn it!" tiningnan ko ng masama si Saphire, that's her name.

"Quit day dreaming and go downstairs. Echo is waiting for you. Ang sabi mo mangangabayo daw kayo ngayon since it's Saturday." sabi niya tsaka lumabas ng kwarto ko.

Lintek, ang brutal niyang babae. Batuhin ba naman ako ng alarm clock.

Pero kahit ganun siya kabrutal, mahal ko pa rin ang kakambal kong 'yun.

"LIIIGHT!!!!!" napabuga ako ng hangin nang marinig ko ang sigaw niya mula sa ibaba. Hindi lang pala siya brutal, malaki din bunganga niya. Para siyang nakalunok ng megaphone sa sobrang ingay ng bibig niya.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon