Light's POV
Mabilis kong pinatakbo ang kabayo hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng ina ni Yuna.
Nasa malayo pa lang kami ay nakikita ko si Yuna na pilit na nilalagas ang tali habang nakatayo naman ang kaniyang ina. Pero ang mas gumulat sakin ay ang babaeng nakahiga at katabi nito ay isang matandang lalaki na sigurado akong siya ang ama ni Yuna.
Nakita kong may lumabas na liwanag mula sa katawan ni Yuki.
"Fuck! We have to hurry!" Sigaw ni King.
Tinodo pa namin ang pagpapatakbo ng aming mga kabayo.
Malapit na kaming makarating sa kinaroroonan nila.
"YUKI!!!" I shouted.
Lumingon sa gawi namin si Yuna at nagulat siya ng makita niya kami. Nang huminto sa pagtakbo ang kabayo, wala akong sinayang na oras at mabilis kong inatake ang ina ni Yuna. Pero nagulat na lang ako nang may itim na bagay ang biglang lumitaw sa harap ko at sinalo ang atake ko.
Dinilat nito ang mga mata at tumingin sakin. "Hindi ako papayag na hindi matuloy ang plano ko. Konti na lang at mabubuhay na ulit ang mahal kong asawa!"
Nagulat ako ng may lumabas na walong tentacles na kulay itim sa likod niya at inatake ako. Mabilis akong umiwas sa atake niya at sinubukan ko itong sunugin gamit ang apoy ko.
"Argh!" Nadaplisan ako sa kanang braso ko. Masyadong malalim ang pagkakadaplis nito na pakiramdam ko ay namamanhid ang braso ko. Napaluhod ako habang hawak ang duguan kong braso. Di ako makagalaw nang may paparaing na tentacle sakin at inatake ako pero nagulat na lang ako ng biglang humarang si Echo at nilabas niya ang kaniyang sonic wave mula sa kaniyang bibig.
"You okay?" Lumuhod siya at tinulungan akong makatayo.
"Move!" Tinulak ko si Echo nang makita kong may isa pang tentacle ang sinubukan kaming atakihin.
"We have to stop her!" Echo shouted.
Hindi kami makalapit sa kaniya. Abala kami sa pakikipaglabas sa mga pesteng tentacles na 'to! Damn, how can we get rid of these?!
---
Third Person's PoV
Nang matanggal na ni King ang tali ay mabilis na lumapit si Yuna sa kaniyang ina ngunit nahinto siya ng makita niyang may paparating na isang tentacle at mabilis itong gumalaw papunta sa direksyon niya.
Kung hindi pa siya nakaiwas malamang ay lumusot na sa kaniyang katawan 'yun mabuti na lang at hinila siya ni King.
"What are you doing?! Are you trying to get yourself killed?!" Galit na tanong ni King ngunit parang wala lang sa kaniya ang sigaw nito.
Nanginig ang kaniyang katawan at bumuhos ang kaniyang luha. "Mom... why? She... she almost kill me.."
"Yuna..." Hinawakan ni King ang kaniyang mukha at pinaharap ito sa kaniya. Pagkatapos ay niyakap niya ito. Napahagulgol si Yuna at mahigpit na niyakap si King.
Naramdaman ni King na may paparating sa kanilang direksyon kaya mabilis niyang binuhat si Yuna at umiwas sa papalapit na tentacle.
Binaba niya si Yuna at pinuwesto niya ang dalaga sa kaniyang likod. Nagpalabas ng kidlat si King at tinira ang tentacle.
"Fuck! Bakit hindi man lang sila nababawasan?" Sigaw ni Light na abala sa pag-atake.
"Shit!" Daing ni Echo nang madaplisan siya sa kaliwang binti niya.
"Dito ka lang. Huwag kang aalis." Sabi ni King kay Yuna.
Pinanood ni Yuna sina Light, King at Echo na pinagtutulungang atakihin ng mga tentacles.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.