36th Chapter

2.1K 76 4
                                    

May sumusuporta pa ba ng story ko?

---

Yuki's POV

Labag sa kalooban ko ang umalis ng Academy ng hindi nagpapaalam sa kaniya. Pero ito lang ang tanging paraan upang hindi matuloy ang magaganap na digmaan.

Natatakot ako na darating ang araw na biglang susugurin ng Frost Kingdom ang Magical Academy. Natatakot akong baka may madamay na mga inosente doon.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni King pabalik sa kaharian ko.

"Sigurado ka na ba dito, Shirayuki-hime?" Nag-aalalang tanong niya sakin.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Oo. Buo na ang desisyon ko."

"You don't have to do this. Think about all the people who cared for you. Ano na lang ang mararamdaman nila? Sigurado akong malulungkot sila sa gagawin mo. Lalo na si Light."

Hindi na lang ako nagsalita.

Tiningnan ko ang suot kong kwintas na binigay sakin ni Light kagabi. Napahigpit ang pagkakahawak ko dito.

Magkikita pa kaya kaming dalawa?

Umiling ako at pinagpatuloy ko ang paglalakad. Handa akong harapin si ina. Kakausapin ko siya.

Maya-maya ay nakarating na kami sa harap ng Frost Kingdom. Nakakapagtaka dahil walang gwardiya na nagbabantay.

Lumapit ako sa gate at tinulak ito. Bumukas naman ito kaya pumasok kami sa loob. Muli akong naglakad upang pumasok sa loob ng palasyo. Pagpasok ko, sobrang tahimik sa loob. Nasaan ang mga katulong? Si Oba-chan, nasaan siya? Nasaan sila?

"Shirayuki---" nilingon ko si King ng magsalita siya pero huli na ng lumingon ako sa kaniya dahil may lumamon sa kaniya. Isang black hole na nanggaling sa kinatatayuan niya.

Kung ganon, lahat ng tao dito sa loob ng palasyo ay nilamon niya ng kaniyang black hole. Saan niya kaya dinala ang mga tao dito?

"Good to see you here again, my dear sister." Rinig kong boses ng kapatid ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at nakita ko siyang naglakad pababa ng hagdan. She has this smirk on her face. Tinitigan ko lang siya at hindi ako nagsalita.

"Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig mo." Sabi niya.

"Nobody ask." Malamig na sabi ko.

"Oh? Lumalaban ka na, dear little sister?" She smirks.

"Hindi ako nandito para makipag-away sayo, Yuna. Nasaan si Ina?"

"Nagmamadali ka ba? Gusto ko pa kasing makipag-bonding sayo, dear little sister." Nagulat na lang ako ng nagpalabas siya ng napakalaking metal na hugis bilog sa likod niya at inihagis niya 'yun papunta sakin. Mabilis akong umilag sa atake niya.

Nagpalabas din ako ng nyebe sa kamay ko at tinira siya. Ngunit hindi pa siya natatamaan ay biglang gumalaw ang metal na tinira niya sakin kanina at tumama sa likod ko.

"Aaahhh!" Sigaw ko at bumagsak ako sa sahig.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Malakas na tawa ni Yuna.

Mabilis akong gumulong ng makita kong babagsakan niya ako ng metal. Mabilis akong tumayo at tumakbo at agad naman akong hinabol ng metal niya.

"Takbo! Yan lang ba ang kaya mong gawin?! Ang tumakbo?!" Sigaw ni Yuna.

Kahit saan ako tumakbo, susundan pa rin ako ng metal na 'yan!

Huminto ako at hinarap ang paparating na metal. Nakalutang ito kaya ang ginawa ko ay tumakbo din ako palapit dito. Nagpalabas ako ng nyebe sa kamay ko at ginawang yelo ang sahig. Mabilis akong yumuko at nag-slide mula sa paparating na metal kaya nailagan ko ito.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon