8th Chapter

4.6K 161 14
                                    

Yuki's POV

P.E class namin at nandito kami sa ground. Naglalaro kasi kami ng baseball at ang unang naglalaro ay ang mga lalaki. Mamaya na lang daw maglalaro ang mga babae.

Sa ngayon, nakaupo ang mga babae dito sa bench habang pinapanood naming maglaro ang mga boys.

"KYAAAAA!!!" halos mabingi na nga ako dahil sa sigaw ng mga babae dito sa bench. Naglalaro kasi sina King at Light dun ng baseball. Ang galing nga nila, eh. Halos walang gustong magpatalo sa kanila. Parang ang iinit ng mga ulo nila. Palamigin ko kaya muna? Para naman kumalma sila diba? Ano sa tingin niyo?

"May problema ba ang dalawang 'yun?" napatingin ako kay Saphire. "Parang ang iinit masyado ng mga ulo." napapansin din pala niya. Hindi ako umimik bagkus ay nanood lang ako.

Bigla akong napatingin kay Shin na nakaupo sa kabilang bench at malayo sa'min. Tumayo ako. "Sa'n ka pupunta, Yuki?" tanong ni Saphire. "Pupuntahan ko lang si Shin," sagot ko. Naglakad ako palapit kay Shin na tutok na tutok sa panonood ng laro. Siguro pinanood niya si King.

"Ba't mag-isa ka lang?" tanong ko nang makalapit na'ko sa kanya. Tumingin naman siya sa'kin.

"Shirayuki-hime."

"I told you don't call me Shirayuki-hime. Tawagin mo na lang akong Yuki. Pwede ba akong umupo sa tabi mo?"

"O-of course," umusog siya ng kaunti. Umupo ako sa tabi niya. Binalik ulit niya ang tingin kay King.

"Si King ba ang pinapanood mo?" tanong ko sa kanya.

"Eh? Um.." napayuko siyj. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. Ang cute!

"Gusto mo siya?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Sa totoo lang, bagay naman silang dalawa, eh.

Hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakayuko. "So, you do like him? Silence means 'yes'."

"Imposible 'yan," mahinang sabi niya.

"Huh? What do you mean?"

"Kasi ikaw talaga ang gusto niya."

"Ako?" gusto pala ako ni King? "Baka naman gusto niya ako bilang kaibigan."

"Hindi. Mas higit pa dun. He likes you for a very long time. Kahit na mga bata pa kayo, gusto ka na niya."

Natahimik ako. Hindi ko alam 'yan. Wala akong alam na gusto pala ako ni King. Akala ko gusto niya ako bilang kaibigan pero mas higit pa pala dun ang ibig niyang sabihin niya.

"Bakit hindi ko man lang alam 'yun?" tanong ko.

"Kasi ang tingin mo lang sa kanya ay isang kaibigan kaya hindi mo napapansin ang nararamdaman niya."

For the second time, natahimik ulit ako. Hindi na lang ako nagsalita pa. Gusto ako ni King. Gusto naman ni Shin si King. Pa'no 'to? Talagang kaibigan lang ang turing ko kay King. Ang gulo naman!

"Yuki, ilag!" nagbalik ako sa realidad nang marinig ko ang sigaw ni Saphire. Tumingin ako sa harap at nakita kong may papalapit na bola at mukhang tatamaan ako. Pero bago ito tumama sa mukha ko, kamay ang sumulpot sa harap ko at sinalo ang bola.

Lumingon ako kay Shin na siyang nagmamay-ari nung kamay. Ang bilis niyang kumilos.

"Yuki!" nilapitan ako ni King. "Ayos ka lang? Natamaan ka ba?" alalang tanong niya. Hinawakan niya ang balikat ko.

"A-ayos lang ako," sagot ko. Tiningnan ko si Shin at ngitian niya lang ako, pero alam ko may halong lungkot ang ngiting 'yan.

"I'm so sorry, Yuki. Hindi ko nasalo ang bola kaya muntik ka nang matamaan."

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon