13th Chapter

3.5K 137 11
                                    

Third Person's POV

Nagising siya nang maramdaman niyang para siyang nakahiga sa ulap dahil sa malambot na bagay na hinihigaan niya.

Napabalikwas siya ng bangon. Nilibot niya ang kanyang tingin. Kwarto? Nasa isang kwarto siya? Pero paano? At kaninong kwarto 'to?

Tumingin siya sa kanyang katawan at dun niya lang napagtanto na wala pala siyang suot na t-shirt. Pansin niya rin ang nakabalot na benda sa kanang braso niya kung sa'n siya nasugatan dahil sa lobong nakasalubong niya sa gubat sa kalagitnaan ng kanyang paglalakbay.

Umalis siya sa kama. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang katulong na may dalang pagkain.

"Here's your food. Kumain na po kayo," sabi ng katulong at nilagay ang dalang pagkain sa mesang katabi ng kama.

"Oh, gising ka na pala?" pumasok ang isang babae sa kwarto.

I think she's the queen.

"Kumusta ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng babae.

"H-hai," nakatungong sagot niya.

"Mabuti naman. Heto, nagpadala ako ng pagkain. Kumain ka na."

She's not just beautiful, but she also has a kind heart.

"As much as I want to accept your offer, but I need to go," sabi niya.

"Bakit aalis ka na agad? Hindi ka man lang ba kakain? Tsaka hindi pa naman magaling 'yang sugat mo."

"I'm sorry but I really need to go."

"Why such in a hurry?"

Tiningnan niya ang reyna. "I need to find this person. A person who I left behind."

Lumapit ang reyna sa kanya. "Mahalaga ba ang taong 'to?"

"Yes."

Wala nang natitirang oras. Kailangan niyang makita ang hinahanap niya kundi baka huli na ang lahat.

"Tutulungan kita," saad ng reyna.

"Huh? Tutulungan?" gulat na tanong niya.

Tumango ang reyna bilang pagsang-ayon. "Oo."

Hindi niya mapigilang makaramdam ng kasiyahan. "Thank you. Thank you so much."

"You're very welcome. But first you need to rest. Kapag magaling ka na tsaka na tayo magsimulang hanapin ang taong hinahanap mo."

"Thank you so much, queen..?"

"Ember."

"Queen Ember. I'll gladly accept your kind offer."

"Ay oo nga pala, ano nga pala ang pangalan ng taong hinahanap mo?"

"Shirayuki. Her name is Shirayuki."

--

Light's POV

Nandito kaming dalawa ni Claire sa kusina at gumagawa ng sandwich at juice. Panigurado kasi magugutom ang dalawang 'yun pagkatapos nilang maglaro.

Nang tapos na kaming gumawa ng snacks para sa kanilang dalawa pumunta na kami sa garden.

Nadatnan ko silang nagkikilitian sa ilalim ng malaking puno. I can't help it but to smile while watching them.

"Mukhang gustong-gusto ni Angelie si Yuki," sabi ni Claire.

"Yeah.." pagsang-ayon ko.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon