34th Chapter

2.5K 66 4
                                    

Thank you for reading! :)

--

"Say 'ahh'." Nakangangang sabi ni Light habang sinusubuan niya ako ng grapes.

Hindi ko mapigilang matawa at sinubo ang inabot niyang grapes.

Kanina pa niya ito ginagawa. Simula nung gumaling na ako, naging sobrang sweet na siya sakin.

"Here. Isa pa.." may inabot na naman siyang panibagong ubas.

"Light, busog na ako." Naiiling ngunit natatawa kong sabi sa kaniya.

"Last na 'to. Sige na." He said with pleading eyes.

Wala akong magawa kundi isubo ang kahuli-hulihang grapes na inabot niya.

"Salamat. Ikaw kumain ka na din."

Hinaplos niya ang pisngi ko. "Makita lang kitang busog, nabubusog na din ako."

Hindi ko mapigilang mamula sa sinabi niya. Bigla namang dumating si Saphire at walang pasabing binatukan niya si Light.

"Umaandar na naman ang pagiging malandi mo, Light. Nakakasuka ka." Sabi ni Saphire sa kakambal niya.

Andito kaming lahat sa dorm namin ni Saphire. Sabi kasi sakin ni Doc Angel, kailangan ko daw ng ilang araw na pahinga upang bumalik ang lakas ko. Kaya heto ako ngayon, tambay muna sa loob ng dorm.

Umupo si Saphire sa tabi ko. "Bumabalik na ba ang lakas mo?" Tanong niya.

Tumango ako.

"That's good to know..."

Maya-maya ay tumunog ang bell, hudyat na kailangan na nilang pumasok sa klase nila.

"Well, that's the bell." Sabi ni Saphire tsaka siya tumayo. "Kailangan na naming umalis."

"Okay. Ingat kayo."

Niyakap muna ako ni Saphire bago siya lumabas ng kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Light.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko sa kaniya.

"Mas gusto kong dito muna ako at alagaan ka." Nakangusong sabi niya.

Natawa ako. "Hindi pwede. Kailangan mong pumasok, Light. I'll be fine here. Don't worry."

Napabuntong-hininga siya. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Are you sure you're going to be fine?"

"Uh-huh." Hinaplos ko ang likod niya.

Kumalas siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Babalik ako dito pagkatapos ng klase ko. At sa pagbabalik ko, marami tayong dapat pag-usapan." Hinalikan niya ano noo ko tsaka siya tumayo at naglakad patungo sa pinto.

Kumaway siya sakin at kumaway din ako sa kaniya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Naiwan na naman akong mag-isa. Bumuntong-hininga ako at nahiga na lang. Tumitig ako sa kisame. Ilang minuto ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto.

Bahagya akong bumangon at tumingin sa pinto. "Sino 'yan?"

"Ako ito, Shirayuki-hime..." rinig kong pamilyar na boses mula sa labas. "Maaari ba akong pumasok?"

Ilang segundo akong natahimik bago ako nagsalita muli. "Pasok ka."

Bumukas ang pinto at pumasok si Silver, or should I say... King. Dahan-dahan niyang sinarado ang pinto. Nanatili siyang nakatayo habang nakayuko ang ulo.

"Bakit ang layo mo sakin?" Natatawang tanong ko. "Lumapit ka. Hindi naman kita kakagatin."

Bahagya niyang inangat ang kaniyang ulo. "Shirayuki-hime..."

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon