Maraming thank you sa mga readers na sumabaybay! Love you all!
---
Ten years later...
Naalimpungatan ako ng may tumalon-talon sa kama na hinihigaan ko.
"Wake up! Wake up! Wake up!" Halos mabingi ako sa sigaw niya habang patuloy siyang tumatalon sa sa kama ko.
I groan and grab a pillow a cover my face. Pero di nagtagal ay napadaing ako ng bigla siyang tumalon sa tiyan ko.
"Aaawww!!"
Kinuha ko ang unan at pinukol ng masamang tingin ang bulilit na nakaupo sa tiyan ko habang nakangisi.
"Hehe! Good morning, kuya handsome!" Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi.
"Lyka, what are you doing here in my room?" I asked my six year old little sister.
"Mommy said that you wouldn't wake up so I came here to wake you up! It's time for breakfast!" Napangiwi ako sa sigaw niya.
Damn, she's noisy. She's the little version of Saphire.
Saan na naman kaya naglihi si Mom habang pinagbubuntis niya si Lyka?
"Alright, kuya will go downstairs. Mailigo lang ako."
"Okay!" Bumaba siya ng kama ko. "Hurry up!" Tumakbo siya palabas ng kwarto ko.
I sigh and close my eyes. After a minute, I decided to take a bath.
Pagkatapos kong maligo at nagsuot na ako ng damit ay bumaba na ako para kumain ng breakfast.
"Good morning, sleepyhead." Lumapit ako kay Mom at hinalikan siya sa pisngi.
"Ginising ka ba ni Lyka?" Tanong ni Dad habang abala siya sa paglagay ng pagkain sa plato ni Lyka.
Ten years have passed, sa itsura nila para silang hindi tumatanda. They still manage to look young.
"Yeah. Thanks to her nagising ang diwa ko. Saan mo nga pala siya pinaglihi, Mom?"
"I don't know." Natatawang sagot niya.
"She's like the little version of Saphire." Naupo na ako at nagsimula ng kumuha ng mga pagkain.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na may bumatok sakin mula sa likod. Damn!
"I heard you." Sabi ni Saphire habang buhat niya si Chanter, Saphire and Echo's two year old son.
Yup, they are married and have a son. Sinong mag-aakala na ang dalawang 'to na parang aso't pusa kung magbangayan ay mauuwi din pala sa kasalan? Love nga naman.
"Hey, man." Bati sakin ni Echo.
"Next time pagsabihan mo 'tong asawa mo, Echo. Naminihasa sa pagbatok sakin." Sabi ko.
"What did you say?" Tiningnan ako ng masama ni Saphire.
"Buntis ka ba? Bakit ang init ng ulo mo?"
"Paki mo kung mainit ang ulo ko? Ikaw kasi ang tanda-tanda mo na inaasar mo pa rin ako! Grow up, twin."
"Coming from you who always acts so childish?"
"I am not childish!" Akmang babatukan na naman niya ako pero agad siyang pinigilan ni Echo.
"Honey, tama na 'yan. Nakakasama sa baby ang pagiging mainitin ng ulo mo."
Natigilan ako sa sinabi ni Echo. Damn, so I was right after all. "Buntis ka nga?"
Saphire rolled her eyes on me. "Yes, I'm two weeks pregnant."
Napanganga ako. Narinig kong tumili si Mom.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.