35th Chapter

2.5K 71 11
                                    

Light's POV

Nagising ako dahil naramdaman ng balat ko ang sinag ng araw mula sa aking bintana. Kinapa ko ang katabi ko habang nakapikit ang aking mga mata.

Huh? Dinilat ko ang mga mata ko only to find out na hindi ko na katabi si Yuki.

"Yuki?" Bumangon ako. Agad kong nakita ang pulang mantsa sa kumot. Hindi ko mapigilang mapangiti, naalala ko ang nangyari samin kagabi.

That night was the happiest night of my life...

Hinding-hindi ko makakalimutan ang halik niya, ang paghaplos niya sa buo kong katawan, ang boses niya na gusto kong marinig ng paulit-ulit at ang nakakaadik niyang mga labi.

Para akong tanga na nakangisi at iiling-iling.

I want to make love with her all over again. Gusto ko siyang angkinin ng paulit-ulit.

Damn. Nagiging manyak na yata ako.

"Yuki?" Tawag ko ulit sa pangalan niya pero wala akong natanggap na sagot. Baka naman bumaba na siya?

Tumayo ako at hinanap ang uniform ko. Nakita ko itong malinis na nakatupi sa isang tabi. Napansin ko ang nakalatag na mga plato sa sahig at ang kandila na wala ng apoy.

Nagsuot ako ng uniform ko. Hmm. Nasaan kaya siya?

Bumaba ako ng tree house at nagpunta sa palasyo. Baka kasama niya si Saphire ngayon.

Nagpunta ako sa kwarto ni Saphire pero pagbukas ko ay wala na siya. Nauna na siyang umalis kesa sakin. Teka, ang pagkakaalala ko ay Linggo ngayon. Ibig sabihin wala kaming pasok.

Saan kaya nagsusuot ang kakambal kong yun?

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko ang isang katulong.

"Have you seen Saphire?" Tanong ko dito ng makababa ako ng hagdan.

Umiling ito. "Hindi po, Prince Light."

"How about Yuki?"

Umiling ulit siya. "Hindi din po."

"I see. Thank you.."

Umalis ako upang hanapin si Saphire. Baka nga kasama niya si Yuki. Pero bakit iba ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to? Bakit parang may kulang?

Nagpunta ako sa kwarto ko upang magpalit. Pagkatapos kong magpalit ay bumaba ako at di ko inaasahan na makakasalubong ko si Saphire.

"Where have you been?" Tanong ko sa kaniya.

"Dyan lang. Sa tabi-tabi." Kumunot ang noo ko. Bakit nag-iba ang tono ng pananalita niya? Hindi na siya nagtataray sakin?

Pansin ko na bahagya siyang nakayuko at kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya.

"Saphire, are you okay?" Tanong ko.

Inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako. Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang siya ang unang umiwas.

"Punta muna ako sa kwarto ko.."

Something's not right.

Akmang lalamapasan niya ako pero mabilis kong hinarang ang braso ko dahilan upang mahinto siya sa paghakbang.

"Are you hiding something from me, Saphire?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

Kinagat niya ang ibabang labi niya at dahan-dahang umiling. "W-wala..."

"I can easily tell that you're lying, Saphire. Now tell me, may tinatago ka ba sakin?"

Napabuntong-hininga siya at napahilamos sa mukha niya. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo."

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon