37th Chapter

2K 64 2
                                    

Third Person's PoV

"Argh!" Napapakapit si King sa kadena na nakapalibot sa kaniyang kamay ng muli siya nitong hampasin ng latigo sa katawan. Napaluhod siya. Tumutulo ang dugo mula sa katawan nito at sa hubad nitong pang-itaas. Mabibigat ang paghinga niya at halos hindi na niya maidilat ang kaniyang mga mata.

Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya nito sa baba at marahas na inangat ang kaniyang mukha.

"Traydor ka. Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinagagagawa mo?! Ikaw pa ang sisira sa mga plano ko!" Muli na naman siya nitong hinampas ng latigo dahilan upang mapasigaw siya sa sakit.

"Ina, tama na!" Lumapit si Yuna sa mahal na reyna at pinigilan ang ina nito. "Tama na po yan, Ina!"

"Huwag mo akong pigilan, Yuna! Ang dapat sa mga kagaya niyang traydor ay mamatay na!"

"No! Please, no! Maawa ka sa kaniya, Ina!"

"Bitiwan mo sabi ako!" Tinulak ng malakas ng mahal na reyna si Yuna dahilan upang matumba ito.

"Ano bang nangyayari sayo, Yukina?! Kailan ka pa naawa sa lalaking ito?!"

"Ina, pakiusap.. tama na po. Huwag niyo na po siyang saktan." Nagsimula ng umiyak si Yuna sa harap ng kaniyang ina.

"Manahimik ka!"

Hinarap muli ng kaniyang ina si King. Tinaas nito ang hawak na latigo at akmang ihahampas ito sa katawan ng lalaki ng biglang humarang si Yuna dahilan upang tumama ang latigo sa kaniyang balikat.

Napasigaw si Yuna sa sakit. Nagulat naman ang kaniyang ina dahil sa di inaasahang pagharang ni Yuna dito.

"Yuna.." mahinang sabi ni King.

Napahawak si Yuna sa kaniyang balikat. "I-Ina, n-nakikiusap po ako sa inyo. T-tumigil na po kayo.."

Hindi nagsalita ang kaniyang ina sa halip ay tinalikuran niya ito at walang pasabing lumabas ng kulungan.

"Yuna.."

Hinarap ni Yuna si King. Hinawakan niya ang mukha ng lalaki at pinakititigan ito. Hindi niya mapigilang maluha dahil sa dami ng sugat nito. Napakagat siya sa kaniyang labi at yumuko habang patuloy na naglalandas ang kaniyang mga luha.

"Patawad, King. Patawad.." patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Anong pinagsasabi mo dyan, Yuna? Bakit ka humihingi ng tawad?" Naguguluhang tanong ni King sa kaniya.

"Hindi dapat ito nangyayari sayo. Hindi.."

"Yuna, hindi kita maintindihan---"

Nahinto sa pagsasalita si King. Nagulat na lang siya ng bigla siyang hinalikan ni Yuna sa labi.

Pagkatapos siyang halikan nito, tumingin siya kay Yuna pero ngumiti lang ito sa kaniya.

"Mahal kita, King."

Hindi nakapagsalita si King bagkus ay nakatitig pa rin ito sa kaniya.

"Alam ko ang tumatakbo sa isip mo. Ayaw mong maniwala sa sinasabi ko dahil sa mga ginawa ko kay Yuki. Pero ginawa ko lang naman yun para mapasaakin ka! Sobrang inggit na ako kay Yuki dahil lahat na lang ng gusto ko ay napupunta sa kaniya! Pati ang lalaking mahal ko ay napupunta din sa kaniya! Wala ng natira sakin, King! Wala na! Wala na!"

Napahalughol si Yuna sa iyak. Nakatingin lang si King sa kaniya.

"Ginawa mong miserable ang buhay ng kapatid mo dahil sa sariling mong kagustuhan." Mahinanh sabi ni King. "You're being selfish, Yuna.."

"Ginawa ko lang yon dahil mahal kita."

"Hindi mo kailangang maging selfish para lang mahalin ka ng taong mahal mo.."

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon