Third Person's POV
Nakatayo sa balcony ng kanilang palasyo ang isang lalaki. Nakatanaw sa kawalan na parang may malalim na iniisip.
"Mukhang malalim yata ang iniisip niyo, King?" ani ng isang boses babae sa kanyang likod.
Napabuntong-hininga na lamang ito. "May iniisip lang ako, Shin." sabi ni King.
"Marahil iniisip niyo ang pagkakaroon ng asawa?"
Tumingin siya sa dalaga. "Ano?"
"Hindi ba't ito na ang panahon upang magkaroon kayo ng asawa? Matagal na panahon na din kayong namumuhay nang mag-isa."
Tinitigan ni King si Shin. Ilang sandali pa ay napabuntong-hininga na lamang ito. "Tama ka. Kailangan ko na yatang magkaroon ng asawa. Hindi ko pwedeng kalimutan ang pangako ng aking mga magulang. Tutuparin ko ang kanilang huling kahilingan bago sila mawala."
"Kung ganun, may ipapakita ako sa inyo." kumuha siya ng ilang mga litrato at pinakita kay King.
"Sino ang mga binibining 'to?" tanong ni King habang nakatingin sa mga litrato ng mga babae.
"Sila ang pinakamagandang babae sa mundo. Pumili ka kung sino sa kanila ang gusto mong mapapangasawa, King."
Tiningnan niya isa-isa ang mga litrato. Aaminin niya, magaganda naman sila at nakakabighani. Pero sa lahat ng mga babae, may isang nakaagaw ng kanyang pansin. Isang babaeng nakangiti, maputi ito, ngunit ang mas nakakaagaw ng kanyang pansin ay ang mahaba't maputi at kulot nitong buhok.
Nakaramdam siya ng pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso na ngayon lang niya naramdaman.
"Ano ang pangalan ng binibining 'to?" tanong ni King. Kinuha nito ang litrato at pinakita kay Shin.
"Siya po si Shirayuki."
Napatingin siya kay Shin nang banggitin nito ang pangalan ng babaeng nasa litrato.
"Shirayuki?" tanong nito.
"Opo. Nag-aaral po siya ngayon sa paaralang tinatawag na Magical Academy." sagot ni Shin.
Shirayuki... Parang narinig ko na ang pangalan na 'yan. Pero saan?
Bigla may pumasok sa kanyang utak. Naglakad siya palapit sa kanyang kama. Yumuko siya at may kinuha na kahon doon. Doon niya nilalagay ang mga bagay at laruan nung bata pa siya. Binuksan niya 'yun at hinalungkat ang laman ng kahon.
"Nakita ko na." kinuha niya ang bagay na 'yun.
"Ano po 'yan, King?" narinig niyang tanong ni Shin sa kanyang likod.
"Isang makalumang manika."
Tinitigan niyang mabuti ang manika. Medyo madumi na ang itsura nito dahil ilang taon na itong nakatago sa kahon.
"Shin." tawag niya.
"Ano po 'yun, King?"
"Maghanda ka dahil aalis tayo."
"Saan po tayo pupunta?"
"Pupunta tayo sa Magical Academy."
---
Yuki's POV
Kakalabas lang namin galing ka Council. Grabe, first day ko pa lang bilang estudyante dito sa academy, napapaaway na agad ako. Haaay..
"Ang kapal talaga ng pagmumukha ng babaeng 'yun! Naku, sana pinalipad ko na lang siya sa mars eh para hindi na siya makabalik pa!" gigil na sabi ni Saphire.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.