11th Chapter

4.2K 153 13
                                    

Yuki's POV

"How is she?"

"She's.. Still inside. Tatlong araw na siyang hindi lumalabas ng dorm. Ayaw niyang magsalita. Kahit ako ayaw niya akong kausapin. Mukhang apektado talaga siya sa pagkamatay nilang dalawa."

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa unan. Then I felt hot liquid flowing down my cheeks.. I'm crying..

Again..

As Saphire said, tatlong araw na'kong nagkukulong dito sa dorm. Hanggang ngayon kasi masakit pa rin tanggapin na wala na sila.

Bakit? Nangako sila, eh. Nangako sila na magkikita ulit kami.

Flashback

Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang isa kong kamay habang tumatakbo ako palabas dito sa nasusunog na palasyo. Ang kapal ng usok. Inuubo na din ako at nahihirapan akong idilat ang mga mata ko.

Takbo lang ako ng takbo. Sa'n ako pupunta? Sa'n ako lalabas?

Napaatras ako nang biglang may nalaglag na bahagi ng kisame mula sa itaas. Pinunasan ko ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Ang hapdi ng mga mata ko!

Ginamit ko ang kapangyarihan ko. Ginawa kong yelo ang apoy na nasa harap ko. Pero natutunaw din ito dahil sa apoy na nakapalibot sa'kin. Hindi ako nag-aksaya ng oras at tumakbo ulit ako.

"YUKI!!!" napatigil ako sa pagtakbo nang may marinig akong pamilyar na boses.

"Light..." hahakbang na sana ako nang biglang sumabog ang isang kwarto na nasa gilid ko kaya mas lalong nadagdagan ang apoy. Mas kumapal ang usok at mas nahirapan ako sa paghinga.

Napaupo ako dahil sa patuloy kong pag-ubo. Gosh, ang hirap lumabas dito.

"YUKI! WHERE ARE YOU?!" narinig kong sigaw ni Light.

Dahan-dahan akong tumayo at naramdaman ko ang sakit sa paa ko. Naalala ko pinilit ko palang hilahin ang paa ko mula sa kadena kaya nagkasugat ako. Mas nahihirapan tuloy akong makatayo.

May nakita akong bintana na di kalayuan sa pwesto ko. Nasusunog ang kurtina pero nakabukas naman ito. Dun na lang ako lalabas.

Hindi ko inintindi ang sakit na nararamdaman ko sa paa ko at pinilit ko pa ring maglakad hanggang sa makarating ako dun sa bintana.

Tumingin ako sa labas pero ang taas pala. Pa'no ako makakababa? Tatalon? Kung marunong lang sana akong lumipad edi sana kanina pa'ko nakalabas dito.

"YUKI!"

Tumingin ako sa harap at nakita ko si Light na nakatayo sa sanga ng isang malaking puno. Pero ang layo namin sa isa't isa.

"Light--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang may sumabog sa likod ko.

"YUKI, JUMP!" sigaw ni Light.

Jump daw? Teka, tatalon ako.. Mula dito?! "A-ayoko.. Natatakot ako.."

"Don't worry. I'll catch you!"

"Pero..."

"Just trust me.."

Trust him..

Tumayo ako sa may bintana. Hindi ko mapigilang manginig dahil sa kaba at takot. Halos umikot ang tingin ko dahil sa sobrang taas. I bit my lower lip as tears came out from my eyes.

"Makinig ka, Yuki." tiningnan ko si Light. "Pagbilang ko ng tatlo, sabay tayong tumalon! Okay?"

Tumango ako sa sinabi niya.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon