Yuki's POV
Hindi ako nagpahatid sa kanila dahil ayokong nakikita silang nalulungkot kapag aalis ako. Lalo na si Light.
Tinanaw ko ang labas ng kalesa at mukhang malapit nako dahil pamilyar saken ang tinatahak naming daan.
Bigla akong kinabahan.
Handa na ba akong harapin ulit si ina?
Nangingibabaw ang kaba ko habang paunti-unting naging pamilyar ang daan na tinatahak namin. Maya-maya ay may nagbagsakan na maliliit na snow mula sa itaas. Nilabas ko ang palad ko at dinama ang lamig ng snow na bumabagsak sa palad ko.
I'm almost home...
Sa totoo lang, namimiss ko na ang palasyo. Marami akong magagandang memories dito lalo na nung kasama ko sina Mama at Papa nung buhay pa sila. Pero ang masasayang alaala na yun ay napalitan ng sakit at kalungkutan. Nung malaman kong pinakasalan pala ni Papa ang ina ni Yuna nung namatay si Mama ay puro kalungkutan na lang ang nararamdaman ko.
Masyado siyang demanding at lahat ng gusto niya ay dapat nasusunod. Same goes with Yuna. Unang kita niya pa lang saken ay inaway niya agad ako. Hindi ko nga alam kung bakit ganun na lang ang galit niya saken eh wala naman akong natatandaan na may ginawa akong kasalanan sa kanya.
Natanaw ko ang gate na may nakaukit na letrang F na nasa bilog at nakalagay sa gitna. Ang gate ay gawa sa ice at matibay ito kaya hindi ito basta-basta nasisira kapag pinasabugan ng bomba.
"Manong, dito na lang po ako." Sabi ko sa lalaking nagmamaneho ng kalesa.
"Sigurado ka ba, iha? Medyo malayo-layo pa ang gate kung hihinto tayo dito." Sabi ni manong.
"Okay lang po. Lalakarin ko na lang po." Lumabas ako ng kalesa. "Salamat po, manong."
Nagsimula nakong maglakad. Habang palapit ako ng palapit sa gate ay unti-unting dumarami ang mga snow na bumabagsak. Parang umuulan lang ng snow.
May dalawang guwardya ang nakabantay sa may gate. Nanlaki ang mga mata nila nang makita nila ako.
"S-Shirayuki-hime?" Gulat na tanong ng isang guwardyang nasa left side.
Ngumiti ako sa kanila tsaka kumaway. Bigla silang nataranta. Hindi nila alam kung anong gagawin nila nang makita nila ako.
"Kumusta?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanila.
"O-okay lang po kami.." nahihiyang sabi ng guwardiyang nasa right side.
"Mabuti kung ganun. Maaari ba akong pumasok?"
"S-syempre naman, Shirayuki-hime!" Nataranta silang dalawa kaya hindi ko mapigilang matawa. Tapos pinagbuksan nila ako ng gate.
"Maraming salamat."
Pagtapak ko ng mga paa ko sa loob, I felt nostalgic as I looked around the places I used to have happy memories with my family. I looked up ang stared as snows continued to fall.
I missed this place... My Home...
I looked around once again. Nagsalubong ang mga kilay ko. Sa tinagal-tagal kong hindi bumalik, pansin kong marami ang nagbago.
Hindi niya tinupad ang pangako ni Ama. Nangako siyang hindi niya babaguhin ang alinman sa mga lugar na nandito sa kaharian.
Naglakad ako papunta sa kulay puting pinto na gawa sa yelo na may nakaukit na letrang F, katulad din doon sa gate. Kusa itong bumukas kaya pumasok ako sa loob. I sigh in relief, mabuti na lang at walang nagbago dito sa loob ng palasyo.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.