20th Chapter

2.8K 105 3
                                    

A/N: maraming salamat nga pala kay Monica Oril sa cover. I really love it talaga! Thank you! Mwah! 😘

***

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Lumingon ako sa likod at nakita ko si Silver na nakatayo habang may buhat na kahoy sa balikat niya. Wala siyang pang-itaas na damit. Tumutulo ang pawis niya sa kanyang buhok pati na rin ang noo.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan niya. Nakita ko na naman ang anim na bundok sa may tyan niya pero hindi ko pa rin alan kung anong tawag dyan. Basta nakita ko rin 'yan kay King nung nasa clinic kami dun sa academy.

"Yuki?" Nagbalik ako sa sarili ko nang magsalita siya.

"Huh? Ah, wala naman. Nagpapahangin lang ako." Nakita ko ang malaking bato kaya umupo ako dun.

Narinig ko ang mga yapak niya na papalapit sa'kin. Binaba niya ang mga kahoy ba dala niya tapos inikot-ikot niya ang balikat niya.

"Saan ka nga pala galing? Bigla ka kasing umalis pagkatapos nating kumain." Sabi ko sa kanya.

Umupo naman siya sa lupa katabi sa'kin. Tinukod niya ang mga kamay niya at ni-relax din niya ang mga paa niya. "Naghahanap kasi ako ng mga kahoy na pwede kong ibenta."

"Mga kahoy na pwede mong ibenta?" Tiningnan ko siya. "Saan ka naman nagbebenta?"

"Kahit saan. Basta kumita lang ako ng pera para suportahan ang pamilya ko." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa harap.

"Nasaan ang papa mo?"

"Patay na siya."

Bigla akong natigilan. "S-sorry."

"Eh ikaw?" Nilingon niya ako. "Bakit ka naglayas?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Ayoko kasing mapahamak sila kapag nanatili ako dun. Kaya naisipan kong umalis. Atleast. Mapapanatag ang loob ko kapag wala ako dun."

"Sigurado kang mapapanatag ang loob mo? Paano kung may mga taong nag-aalala sa'yo? At hinahanap ka nila ngayon?"

Natahimik ako sandali. "Imposible. Hindi niya ako hahanapin."

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon