Yuki's POV
Nakaupo ako ngayon dito sa pinakadulo na malapit sa bintana. Katabi ko nga pala si Saphire at kausap niya ang iba mga estudyante.
Nalaman ko na hindi pala alam ng mga estudyante na pamilya nina Saphire ang may-ari ng Magical Academy. Nagkasundo kasi silang kambal na ayaw nilang ipaalam 'yun sa lahat kasi daw baka maiba ang turing nila sa kanila. Gusto nila ituring din sila bilang estudyante katulad ng iba.
Nakakatuwang isipin. They wanted to be treated fair.
"By the way girls, I want you to meet Yuki. Ang bago kong friend." pakilala sa'kin ni Saphire sa mga kaibigan niya.
"Hi!" sabay nilang sabi tsaka kinawayan ako.
Ngumiti naman ako at kumaway din sa kanila. "H-hi."
"Wow. Ang ganda mo naman. At ang puti mo pa." sabi ng babaeng may malaking ribbon sa ulo niya.
"Oo nga. Inggit ako sa beauty mo!" sabi naman ng babaeng nakasuot ng salamin. Pero kahit ganun, makikita mo pa rin ang kagandahan niya.
"And your hair.. It's white just like a snow." ani naman ng isang babaeng may halong kulay pula sa dulo ng buhok niya. Hinawakan niya bigla ang buhok ko. "Wooh.. Ang sarap hawakan ng buhok mo. Masyadong malambot."
"Talaga? Ako rin pahawak!"
"Ako din! Ako din!"
Hala. Mukhang napagkatuwaan yata nila ang buhok ko.
"Girls, tama na nga 'yan." saway ni Saphire. "Yuki, I want you to meet the Three Idiots..."
"Grabe ka naman, Saphy!"
"Oo nga. Three Idiots talaga?"
"Baka nakakalimutan mo na kasama ka?"
Saphire just rolled her eyes. "Anyway, meet Frez, Bloom and Kim. They are my bitch friends."
Tumayo ako at nag-bow sa kanila. "Hajimemashite. Ako nga pala si Yuki."
"Yuki? Japanese ka?" tanong ni Frez, siya 'yung may suot na malaking ribbon sa ulo. Si Kim 'yung may suot na salamin at si Bloom 'yung may kulay pula sa dulo ng buhok.
Tumango ako sa tanong niya.
"Amazing!" they said in chorus.
Magkukuwentuhan pa sana kami nang may pumasok na lalaki, may dala siyang isang rectangular na notebook. Siguro siya ang teacher namin.
"Okay class, go back to your seats. We will start our class." sabi niya.
Nagsibalikan ang mga kaklase ko. Umupo na din si Saphire sa tabi ko, pati sina Frez, Bloom at Kim ay bumalik sa kanilang mga upuan.
Napansin naman agad ako ng teacher. "I think we have a new student here in Magical Academy. Mind if you introduce yourself to us?" tanong niya habang nakatingin sa'kin.
Sa'kin nga ba? Ako ba kausap niya?
"A-ako po?" I pointed myself.
"Well of course. Sino pa ba?"
Napalunok ako. Ako nga ang kausap niya. Tumingin ako kay Saphire.
"Saphire, anong gagawin ko?" bulong ko sa kanya with a worried face.
"Just go in front and introduce yourself. Ganun lang." sagot niya.
"Eh? P-paano 'yun?"
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.