38th Chapter

1.9K 64 0
                                    

Short update :)

---

Third Person's PoV

"Sa madaling salita.. papatayin niya si Yuki?" Tanong ni Light kay King.

Tumango lang ito bilang sagot. Naiyukom niya ang kaniyang kamao. Hindi niya mapigilang manginig sa galit.

"No.." umiling si Light. "Fuck! I WON'T LET THEM KILL HER!!!" Sigaw ni Light.

Nakita ni King na puno ng apoy ang magkabilang kamao ni Light. Mas lalo pa itong lumaki dahil sa galit na nararamdaman nito.

Tinabig niya si King at nagsimula ng tumakbo upang hanapin si Yuki. Hindi niya pinansin ang sigaw ni King. Kailangan niyang mahanap si Yuki! Bago pa mahuli ang lahat!

Ngunit natigilan siya sa pagtakbo ng biglang may lumitaw na kidlat sa harap niya dahilan upang muntik na siyang matamaan nito.

"Sasamahan kita. Alam ko kung saan nila isinasagawa ang ritwal." Sabi ni King sa kaniya.

Tumango siya sa sinabi nito ay agad silang umalis.

---

Magical Academy...

Pilit na iniiwas ni Saphire ang kaniyang sarili upang hindi siya matamaan ng mga bala. Nagpalabas siya ng napakalakas na hangin dahilan upang magtalsikan ang mga sundalo.

"Damn it! Bakit hindi yata sila nauubusan?"

Tumalikod siya at nagulat siya ng makita niyang may paparating na sundalo sa direksyon niya dala ang isang espada. Ngunit bago pa ito tuluyang makalapit sa kaniya ay isang malaking bato ang biglang dumaan dahilan upang tumalsik ang sundalo at tumama ito sa malaking puno at nawalan ng malay.

Tiningnan niya ang pinanggalingan ng malaking batong 'yon, nakita niya si Claire.

"Muntik na 'yun ah." Sabi ni Claire sa kaniya.

"Nice. Saan mo natutunan 'yun?" Tanong ni Saphire.

"Self-practice." Nagkibit-balikat ito.

Ngumiti lang si Saphire at nagpatuloy siya sa pakikipaglaban sa mga sundalo.

"Sa tingin mo babalik dito si Light kasama si Yuki?" Narinig niyang tanong ni Claire.

"Babalik siya. Alam kong babalik siya. Dahil kapag bumalik siya at hindi niya kasama si Yuki, kakalimutan kong kapatid ko siya!"

"Too harsh.." ngumiwi si Claire sa sinabi ni Saphire.

---

Frost Kingdom...

Nagpunta sina King at Light sa kwarto ng ina ni Yuna. Binuksan ni Light ang lagusan patungo sa ilalim kung saan nakita niyang lumabas si Yuna. Pagdating nila sa ibaba, nagulat si King ng makita niyang walang katao-tao.

"What the hell? I swear dito ko sila nakita." Sabi ni King.

"Shit. Saan naman kaya nila dadalhin si Yuki?"

"Sa tore. Baka don nila dinala si Yuki! Shit! Baka naisagawa na nila ang ritwal ngayon!"

Nagmadali silang umalis ng kwarto at tumakbo pababa. Naabutan ni Light si Echo at may kasama itong mga tao. Mga katulong at mga gwardiya.

"Where did you found them?" Tanong ni Light kay Echo.

"May dungeon palang nakatago sa ilalim nitong palasyo. Don ko sila nakita." Sagot ni Echo.

Tiningnan ni Light ang mga katulong at mga guwardiya. They are all okay. Wala siyang nakikitang sugatan sa kanila.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Echo.

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon