12th Chapter

4.1K 141 6
                                    

Third Person's POV

Naglalakad ang isang lalaking sa gitna ng kagubatan. Kahit na pagod na pagod siya at gusto man niyang tumigil ay hindi pwede. Kailangan niyang mahanap ang isang taong naiwan niya nung nasa kalagitnaan sila ng panganib sa pagtakas.

Ilang linggo na siyang palakad-lakad. Kung saan-saan lang siya natutulog. Tinitiis niya ang lahat makita lang ang babaeng mahal na mahal niya.

Tiningnan niya ang kwintas na suot niya. Ang kumikinang na kristal na hugis puso, simbolo ito ng kanilang pagmamahalan.

"Shirayuki.." bulong ng lalaki.

Tumingala siya at pinagmasdan ang kulay asul na kalangitan. Humihiling na sana ay magkikita silang dalawa.

--

Yuki's POV

Napatigil ako sa pagkain nang makaramdam ako ng panlalamig. What was that all of a sudden? Why do I felt a sudden chill running down my spine?

"Yuki?" napatingin ako kay Saphire. "Are you okay?"

"Uh, o-oo.." ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nandito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch.

"Hi, girls!" nagulat kami nang biglang sumulpot si
Echo kasama si Light. Pareho silang may dalang tray.

"What the heck are you doing here?" tanong ni Saphire kay Echo.

"Pwede maki-share ng ta--"

"No. Get lost," putol ni Saphire.

"Thank you!" bigla namang umupo si Echo sa tabi ni
Saphire.

"What the..?! Sinabi ko bang umupo ka sa tabi ko?!"

"Oh c'mo, Saphy. Pagbigyan mo na si Echo," sabi ni Frey na may nakakalokong ngiti.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Bloom.

Hindi na lang umimik si Saphire at nagpatuloy sa pagkain. Pansin ko ding namumula ang mukha niya. Halatang-halata si Saphire. I smiled. Ang cute nilang tingnan. Bagay na bagay silang dalawa.

"Shirayuki.."

Bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsara. Lahat ng atensyon ay napunta tuloy sa'kin. "G-gomenasai.." paumanhin ko. Pupulutin ko na sana ang kutsara nang bigla na lang may kamay ang kumuha nun at naunahan ako. Pagtingin ko, si Light pala.

Ngitian niya ako tsaka inabot ang kutsara. "Here.."

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Ewan ko kung bakit. Dahan-dahan kong inabot ang kamay ko at kinuha ang kutsara. "S-salamat. H-huhugasan ko muna 'to."

Nagmadali akong tumayo at tumakbong papuntang CR. Pumasok ako at buti na lang walang tao sa loob. Ni-lock ko ang pinto. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Tagktak ang pawis ko at hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Shirayuki.."

I gasp. Andiyan na naman ang boses na 'yun. Nanginginig ang labi ko at parang gusto kong umiyak. I breathe heavily. Pakiramdam ko narinig ko na ang boses na 'yun. The voice is so familiar.

Then an image suddenly pop in my head. Isang lalaki, I can't see his face. Pero ang tindig ng kanyang katawan parang pamilyar sa'kin. Ang bawat parte ng katawan niya ay parang nakita ko na talaga pero ang mukha. Hindi ko makita ang mukha niya.

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit.. Sobrang sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak.

"Shirayuki.."

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon