Thank you all the readers for supports my story. :)
--
Light's POV
Pagdating namin sa Magical Academy, hindi pa rin pala tumitigil ang gulo. May mga sundalo pa rin na pilit na pinapaputukan ang iba't ibang bahagi ng paaralan.
Damn, I hope my family and the others are okay.
Agad kong iniwas si Maximus ng makita kong may papalapit saming sundalo at sinubukan kaming barilin.
Ngunit bigla siyang tumalsik sa malayo ng may dumaan na malakas na hangin. Tumingala ako at nakita ko ang kakambal kong nakalipad sa ere. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako at kung sino ang kasama ko.
"Dalhin mo siya sa loob, Light! Bilisan mo!" Sigaw niya. Tumango lang ako bilang sagot.
Pinatakbo ko ulit si Maximus hanggang sa makarating ako sa pinto ng Magical Academy. Bumaba ako at binuhat ko si Yuki. Nagmadali akong pumasok sa loob at dumiretso ako ng clinic.
Pagpasok ko, sinalubong agad ako ni Tita Angel.
"My goodness!" Napasinghap si Tita Angel ng makita niya ang kalagayan ni Yuki.
"Tita, kayo na po ang bahala kay Yuki. Tutulungan ko lang po sila sa labas." Sabi ko.
"Sige. Ako na ang bahala sa kaniya."
Tumingin ako kay Yuki. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo bago ako lumabas ng clinic.
---
Yuki's POV
Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nakatayo sa harapan ko si Ceres. Hawak niya pa rin ang orasan sa kaniyang mga kamay habang nakatingin siya sakin.
"Ceres..."
Hindi siya sumagot sa halip ay pinalita niya lang sakin ang mga kaganapan sa Magical Academy sa kaniyang orasan. Nakikita kong nakikipaglaban sina Saphire at Light pati na rin ang iba. Napakaming mga sundalo pero kaunti lang silang lumalaban para maprotektahan ang Magical Academy.
"It's time, Shirayuki. Gaya ng napagkasunduan natin? Tutulungan kita. Pero ang kapalit ng pagtulong ko sayo ay ang iyong alaala." Sabi niya.
I smiled at her and slowly nod my head. Ito lang ang natatanging paraan para matapos na ang kaguluhan sa Magical Academy.
Binuksan ko ang mga mata ko. Tumingin ako sa paligid at don ko lang napagtantong nasa clinic pala ako. Bumangon ako kahit na hinang-hina ako.
"Huwag ka munang tumayo, Yuki. Wala pa sa kondisyon ang katawan mo para gumalaw." Sabi sakin ni Doc Angel.
"I-I need to help them. I need to stop this war." Nanghininang sabi ko.
"Yuki, Light and the others are doing their best to end this war. You have to stay here and rest." Pilit akong hinihiga ni Doc Angel pero nagmatigas ako.
"Doc Angel, please. Hayaan mong tumulong ako."
"Yuki, hindi nga pwede. Wala kang lakas! Pano ka makakatulong sa kanila kung nanghihina ka?"
Naiiyak ako. Pero hindi ako papayag na mananatili lang ako dito sa loob ng clinic.
"I'm sorry po.."
Tinabig ko si Doc Angel at tumakbo palabas ng clinic. Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ako huminto sa pagtakbo hanggang sa makalabas ako ng building.
Napahawak ako sa pinto upang sumportahan ang sarili kong huwag matumba. Kaunting lakas na lang ang meron ako. Nagiging mabigat na din ang paghinga ko at pakiramdam ko anumang oras ay hihimatayin ako.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.