Hindi ako papayag na walang special chapter ang MA: WSWMHP. Hehe!
Happy reading!
--
5 years later
Yuki's PoV
Nagising ako dahil sa hangin na kumikiliti sa tenga ko. Ramdam ko rin ang matipuno niyang braso na nakapalibot sa beywang ko.
Gumalaw ako at humarap sa napakagwapo kong asawa na mahimbing na natutulog.
Ngumiti ako habang pinagmamasdan siya.
Bakit ang gwapo pa rin niya kahit na ilang taon na ang nakalipas?
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "I love you..." bulong ko.
Sumiksik ako lalo sa kaniya. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sakin. Gising pala ang magaling kong asawa.
"I love you, too." Bulong niya din sakin.
Napapangiti na lang ako. Bahagya akong bumangon at pinatong ang ulo ko sa aking kamay at tiningnan siya.
Hindi ko mapigilang kurutin ang pisngi niya. "Bumangon ka na dyan. May trabaho ka pa, diba?"
Ngumuso lang siya habang nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata.
"I'm still sleepy..."
Natawa na lang ako. Mukhang antok na antok siya.
"Hindi pwede 'yan. Kailangan mo ng bumangon. Madami ka pang gagawin sa opisina. Sige na."
"Kiss muna." Parang batang sabi niya.
"Hubby, bangon na. Sige ka, baka bigla silang pumasok dito at tatalon sila bigla sa tyan mo."
"Kiss mo muna ako."
"Hubby.."
"Hindi ako babangon hangga't wala akong halik mula sa aking magandang asawa."
Ang kulit lang niya. Pero pagbigyan na nga. Yumuko ako at hinalikan siya sa labi.
"There."
Dinilat niya ang mga mata niya at tiningnan ako habang nakangisi. "Isa pa."
"Anong isa pa? Bumangon ka na nga dyan."
Paalis na sana ako ng kama ng bigla niya akong hinila sa beywang. Mabilis siyang pumunta sa ibabaw ko at pinaliguan ako ng halik sa aking mukha.
"Ang bango-bango ng misis ko. Pahalik nga!" Ilang beses niya akong hinalikan sa aking labi.
Tawa lang ako ng tawa habang walang sawa niya akong hinahalik-halikan. Natigil lang ang kulitan naming dalawa ng biglang bumukas ang pinto.
"LOOK! DADDA IS ATTACKING MOMMA!"
"THAT'S A NO NO! WE HAVE TO SAVE MOMMA FROM DADDA!"
Sabay silang tumakbo palapit samin ni Light. Mabilis silang tumalon sa kama. Sabay nilang tinulak si Light kaya ang nangyari ay nahulog ito sa kama. Malakas akong natawa. Agad silang nagpunta sa harap ko dala ang kanilang espadang laruan.
"Don't worry, Momma. We will protect you from Dadda!" Sigaw ni Loki.
"Dadda is a monster! He attacked Momma early in the morning! Bad Dadda!" Sunod na sigaw ni Shiki.
Natatawa na lang ako habang nakatayo sa harap ko ang dalawa kong anak. Pinoprotektahan nila ako mula sa kanilang daddy.
Habang si Light naman ay hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa kambal.
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.