Yuki's POV
Nagising ako na nakahiga sa isang malambot na kama. Dahan-dahan akong bumangon, tiningnan ko ang paligid. Nasa'n ako? At kaninong kwarto 'to?
Bigla na lang may pumasok sa isip ko. Tama, naalala ko may nakalaban ako. Nakasuot siya na parang ninja. Tapos.. Tapos.. Ugh, wala na'kong matandaan pa.
Tumingin ako sa pinto nang bumukas ito. Doo pumasok si King kasama si Shin na may dalang tray.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni King at umupo siya sa kama.
"Ayos lang ako." napatingin ako kay Shin habang nilalagay niya ang tray sa mesang katabi ng kama. Pero ayaw man lang niyang tumingin sa'kin. Parang umiiwas siya. Bakit kaya?
"Shin--" hindi ko natapos ang sasabihin ko at nagmadali siyang lumabas ng kwarto.
"Heto kumain ka na. Nagpadala ako ng pagkain," sabi ni King. Nilagay niya ang tray sa harapan ko.
"King, nasa'n ako?" tanong ko sa kanya.
"Nandito ka sa kwarto mo," sabi niya nang nakangiti.
"Kwarto ko?" gulat na tanong ko. "Wala ako sa academy?"
"No. Nandito ka sa palasyo ko. At simula ngayon, dito ka na mananatili habangbuhay."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Dito ako titira? "N-nagbibiro ka lang, diba?"
"I'm serious. And I'll make you as my queen."
Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Umiwas ako. "King, patawad. Pero, ayoko. Gusto ko nang bumalik sa academy."
"Forget about the academy. Live with me. And be my queen."
"Hindi. Patawad pero hindi ako ang babaeng nararapat sa'yo."
"What are you talking about?" hinawakan niya ang kamay ko. "Shirayuki, mahal kita. Since we were kids mahal na kita. So please, be my queen and live with me forever. Then we can make a happy family."
Kinuha ko ang kamay ko mula sa kanya. "King, makinig ka. Hindi ako ang babaeng 'yun. Maaring bulag ka lang sa pag-ibig pero kapag binuksan mo talaga ang mga mata mo, makikita mo talaga ang babaeng para talaga sa'yo."
"Hindi. Hindi ako titingin sa iba. Ikaw lang ang gusto ko, Yuki. Ikaw lang. Wala nang iba," tumayo siya at nagtungo sa pinto.
"King? Sa'n ka pupunta?" umalis ako sa kama at lumapit sa kanya pero bigla may kung anong nakakabit sa paa ko at nadapa ako. Pagtingin ko, isang kadena. At nakakabit 'yun sa kama.
"King, a-ano 'to? Bakit may nakakabit na kadena sa paa ko?" nanginginig kong sabi sa kanya.
Tiningnan niya ako. Walang emosyong makikita mula sa mukha niya. "You will stay here. And I'll make you as my queen whether you like it or not."
"King," hindi ko na mapigilang umiyak. "Please, don't do this. Pakawalan mo na'ko. Gusto ko nang bumalik sa academy," pagmamakaawa ko sa kanya.
"No. Hindi kita ibabalik. Because you're mine, Shirayuki. And I don't give away what's mine," pagkatapos niyang sabihin 'yun ay lumabas siya ng kwarto.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Sumandal ako sa kama at niyakap ang mga tuhod ko. Bakit, King? Bakit mo ba 'to ginagawa?
--
Light's POV
"Ano ba Light tumigil ka nga sa kakalakad! Nahihilo na'ko sa'yo, eh. Kumalma ka nga!" sabi sa'kin ni Saphire.
Nandito kami sa dorm ni Saphire at Yuki. Dito na'ko natulog dahil sa nangyari kagabi. Damn it! Humanda talaga siya sa'kin kapag may ginawa siyang masama kay Yuki, dahil magtutuos talaga kaming dalawa!
BINABASA MO ANG
When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)
FantasyBook 2 of Magical Academy: The Fire Princess.