10th Chapter

4.4K 149 7
                                    

Ember's POV

Abala ako sa pagbabasa ng mga papeles nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang asawa ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko siyang may dalang tray na may nakalagay na cake at juice.

"Kain ka muna, mahal ko. Baka kasi nagugutom ka na," nakangiting sabi niya habang papalapit sa'kin.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Sweet as always. Pero may something, eh. I can feel it.

"How sweet of you, mahal ko. Hindi ka na sana nag-abala pa," niligpit ko muna ang mga papel at nilagay sa drawer na katabi ng mesa ko.

Nakaupo siya sa sofa at nakapatong dun ang tray. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Subuan na kita," sabi niya.

"Subuan? Ano ako bata?" natatawang tanong ko.

"No. But I just love feeding you." kinuha niya ang tinidor at kumuha dun sa slice ng chocolate cake. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang laki ng kinuha niya.

"Teka, Sky. Ang laki naman niyan. Parang gusto mo yata akong tumaba, eh."

"Malaki? Eh ang liit nga, oh. C'mon eat it. I made this chocolate cake just for you," nakangusong sabi niya. Natawa ako ng bahagya dahil ang cute ng itsura niya kapag nakaganun.

"Pa'no kung ayokong kainin ang cake?" taas-kilay kong tanong habang nakangisi.

"Paparusahan kita."

Kumunot ang noo ko. "Parusa? Anong parusa?"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa'kin with a playfull smile on his face.

"We'll make love the whole night. And I swear papagurin kita hanggang sa di ka na makapagtrabaho," he said in a husky voice.

Halos umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha nang sinabi niya 'yun. "Sabi ko nga kakainin ko ang cake, eh." kinuha ko ang plato na may cake at kinain 'yun.

Langya ka, Sky. Hindi pa rin pala nawala 'yang pagiging pervert niya. Andun pa rin, eh.

"Perv as always," bulong ko. Narinig ko naman siyang tumawa. Sana talaga walang nagmana ng kamanyakan ni Sky sa mga anak namin. Psh.

"You're really cute when you blush. I love you, mahal ko." niyakap niya ako at hinalikan ako sa pisngi. "Ubusin mo 'yang cake, ha." sabi niya habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Gusto mo talaga akong tumaba 'no?" tanong ko sa kanya habang nakasimangot at kumakain ng cake.

"Kahit na tumaba ka, mahal pa rin kita. At hindi na magbabago 'yun." and he kiss me on my cheek down to my neck.

I smile secretly when I heard that. Gosh, I really love this man! Hindi ko talaga pinagsisisihan na pinakasalan ko siya. He's just so perfect. A perfect father to our twins and a perfect husband.

Nang tapos ko nang kainin ang cake ay nilagay ko sa tray ang plato. "Mahal ko.."

"Bakit?"

"May problema ba?"

"Problema? Wala namang problema."

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa tyan ko at hinarap siya. Tiningnan ko siya sa mata. Based on what I see from his eyes, he's absolutely lying.

"Tell me, what's wrong?" tanong ko sa kanya.

He sigh. "Uh.." napahawak siya sa batok niya. Parang hindi siya makatingin sa'kin.

"Sky," I said in a warning tone.

"Okay. How should I say this?" he mummble. "Promise me you won't get mad."

When Snow White meets Her Prince (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon